^

PSN Showbiz

Piolo loyalista

- Veronica R. Samio -

Balitang aalis din ng ABS-CBN si Piolo Pas­cual, susundan niya ang ehemplo ng ilan niyang Kapamilya na nangapitbahay. ’Yun nga lang, ’di tulad ng ibang gumagawa nito, hindi na sila bumabalik.

Sa isang interview, sinabi ni Piolo na wala siyang balak na lumipat ng bahay.

“I’m very much a Kapamilya. Wala akong balak lumipat. Masaya ako sa kinalalagyan ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ganyang balita. Hindi totoo,” sabi ng pambatong aktor ng Dos.

Nagkaroon ng ganitong balita matapos na lisa­nin ng ilang Kapamilya ang network at lumipat sa dalawang kalabang istasyon. Hindi mo naman sila masisisi dahil career move ang ginawa nila. Ku­mon­ti na ang mga projects nila at ang ilang nati­ra ay hindi naman sila nabigyan ng karam­patang pagpapahalaga.

Pero si Piolo no problem. Kuntento siya sa pag-aalaga sa kanya. Hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. Isa siya sa mga nagdadala ng network. So, bakit siya aalis?

* * *

Galit na galit ang kampo ni Gibo Teodoro sa mga gumagawa ng sinasabi nilang bayarang sur­veys na ipinalalabas na parang dalawang libo la­mang ang bilang ng mga botanteng Pilipino gayong 90 milyon tayo.

Nalilito sila sa layunin ng mga surveys dahil anila, hindi naman napapakain at napag-aaral ang mga mahihirap na Pinoy ng mga nasabing surveys. Sa dami nga naman ng botante, bakit ang boses lamang ng 2,000 Pinoy ang naririnig at nakikita?

Kung nais n’yong marinig ang inyong mga boses at maipaabot sa lahat ang inyong gustong sabihin, pumunta sa tinigmasa.com. Bawat ko­mento n’yo ay bibilangin na parang boto mo sa mga kandidato. Dito, makikita mo ang tunay na numero ng mga Pilipino at hindi ng mga survey na napepeke lamang.

* * *

Napanood n’yo ba ’yung ginawang endorse­ment ni Vilma Santos para kay Noynoy Aquino? Napakaganda ng pagkakagawa. At tanging ang gobernadora lamang ang maka­gagawa ng ganun kaepektibong kampanya.

Marami nang artista ang gu­ma­wa ng endorsement para sa maraming kan­didato pero walang tatalo pa sa ganda ng gi­na­wa ni Vilma para sa ka­patid ni Kris Aquino. Hindi mukhang isang kampanya, tumitimo sa puso. Ma­galing ang nakaisip ng konsepto at gu­mawa ng script. Hindi ka­kaunting pogi points ang naibigay nito kay Noynoy.

* * *

Kahit anong pintas at pamumuna ang tina­tang­gap ni Kris Aquino sa pagganap niya ng kanyang role sa Kung Tayo’y Magkakalayo, wala ni isa mang viewer ng nasabing toprating serye ang pumapayag na mamatay siya sa serye. Mag-iiba raw ang takbo ng istorya kapag namatay siya, ma­ba­bawasan ang ganda ng istorya dahil sa totoo lamang, si Celine ang nag­bibigay ng conflict at mga problema na kinakailangan at sinusundan sa serye.

Hindi na magiging effective ang cha­rac­ter ni Jaclyn Jose, wala ng pag­ma­ma­­lupitan ang character ni Albert Mar­tinez, at wala ng pahihi­rapan ng kaloo­ban ang character na­man ni Kim Chiu.

Pero kung dati ay hindi tatanggapin ni Kris na mamatay siya sa serye, payag na siya ngayon. Pagod na pagod na kasi siya sa kampanya at nag­kukulang na ang panahon niya sa kanyang pamil­ya. Nalulungkot man siya but if she were to choose, ang pamilya niya ang palaging una sa list of priorities niya.

Dalawang versions ang gagawin para ma-please all the viewers of the series. Sa isa, ma­ma­matay siya, sa ika­la­wa, hindi. No matter how they cure the story, Celine’s death is a no-no sa lahat. Magagalit lahat, kasama na ako, sa magi­ging kamatayan niya.

ALBERT MAR

CELINE

GIBO TEODORO

KAPAMILYA

KRIS AQUINO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with