‘Wag patulan.
‘Yan daw ang advice ng taong malalapit sa isang actress dahil pakiramda daw nila at gamit na gamit ito sa publicity ng pilit na inili-link na actor.
Nagrereklamo ang taong nasa paligid ng actress. Porke raw hindi pinatulan ang unang sultada ng kanilang PR strategy, heto may second wave na. At dinidikdik pa raw ang tatay ng actress na ginawa lang naman ang dapat bilang mabuting ama sa kanyang mga anak.
Di hamak na mas nakikinabang daw ang aktor-aktoran kung sasagutin pa ang mga patutsada na nagiging nega ang actress.
Besides, ang hindi raw nila maintindihan ay kung bakit ayaw tantanan ang actress at gusto pang sirain ang imahe bilang endorser.
Work na lang daw ang actress dahil patung-patong ang trabaho nito.
Agree.
Hayaan na lang natin sila. Baka naman walang ibang puwedeng pag-usapan.
* * *
Ilang araw na lang at matatapos na ang shooting nina Sarah Geronimo and Judy Ann Santos para sa pelikula nilang Hating Kapatid. At in fairness, kilig-kiligan daw sa mga eksena nina Sarah at Luis Manzano na ka-partner niya sa nasabing pelikula ng Viva Films. “Ang lakas ng chemistry nila,” sabi ng mga nasa shooting ng pelikula na dinidirek ni Wenn Deramas.
Sa June na ipalalabas ang Hating Kapatid, pagbalik na ni Sarah galing US Tour para sa kanyang Record Breaker tour. Aalis si Sarah sa May 17 at babalik siya middle of June.
Excited na si Boss Vic del Rosario para sa nasabing pelikula dahil first time na nagsama sina Sarah at Juday.
After ng nasabing pelikula, sisimulan ni Sarah ang bagong show niya sa ABS-CBN with Sam Milby and Matteo Guidicelli. Ang ganda-ganda raw ng concept nito.
Anyway, all in all, 27 na pala ang endorsement ni Sarah. Bongga di ba? Siya lang yata ngayon ang actress/singer na lahat ng klase ng produkto ay ini-endorso.
Base sa isang survey, kasama si Sarah sa may pinaka-mataas na endorsement value.
By the way, all the way ang suporta ni Sarah G. kay Ms. Joy Belmonte na tumatakbong vice mayor ng Quezon City.
* * *
Hmmm, may nai-smell na something ang isa kong friend sa aktres na may asawa. Mukhang tinamaan daw ito sa iba. Panay daw ang puri ng actress sa isang kasama sa trabaho. “Non showbiz ang asawa ni actress kaya parang wala siyang pakialam sa ginagawa ng kanyang misis. Kaya ayun si misis, parang bilib na bilib sa kasamahan sa trabaho na hindi naman guwapo,” say ng source.
Saka na ang clue. Basta sikat si actress na misis ng non-showbiz na actually ay natsitsismis na sa ilang friends niya tungkol sa pagkagusto niya sa iba.
* * *
Nakaka-sad na pati ang simbahan ay namomroblema sa laki ng babayaran sa kuryente.
Nag-apela si Rev. Msgr. Domingo Erfe ng St. Paul Apostle Parish (Timog Ave.) sa mga nagsisimba kahapon, 10:30 a.m. mass na sana raw ay dagdagan naman ang kanilang offering. Ang kuwento ni Rev. Msgr. Erfe, masyadong malaki ang bayaran nila sa kuryente ngayong buwan.
Ang dati raw P57,000 na bill ng kuryente ng simbahan ay umabot sa P86,000. Wala naman daw silang ibang inaasahan kundi ang tulong ng mga nagsisimba as in yung ibinibigay natin.
Marami pa raw ibang gastusin ang simbahan. Napupunta raw ang 10% sa kanilang Archdiocese.
Kaya namomroblema sila at nag-aapela na tulungan sila.
Napansin na rin kasi ni Msgr. na mas bumaba pa ang collection ngayon pang halos doble na ang singil ng kuryente.
Dyosko. Pati ang simbahan ay apektado na sa mahal ng singil ng kuryente.
Kaya ang panawagan ni Msgr. Erfe, gabayan tayo sa pagboto at magdasal na maigi para makaboto ng tama.