MANILA, Philippines – Limang taon nang nakikiisa ang Psalmstre bilang sponsor sa taunang beauty contest ng Miss Philippines – Earth at Miss Earth na may layuning tulungang maprotektahan ang ating inang kalikasan.
Sa nagdaang long-gown competition ng 2010 Miss Philippines- Earth na ginanap sa Versailles Subdivision Clubhouse, Parañaque kamakailan, pumili ang Psalmstre ng “The Face of New Placenta” awardee mula sa mahigit limampung naggagandahang kandidata.
Mapalad na napili ng Psalmstre president na si JIM ACOSTA ang kandidatang si Miss Gwenabelle Ruais mula sa Filipino-France community bilang 2010 The Face of New Placenta at tumanggap ito ng 10,000 Cash prize and 10,000 worth of gift certificate. Ayon kay Mr. Acosta, nagtataglay daw kasi ng magandang mukha, personalidad at impressive character si Miss Filipino-France kaya siya ang napili ng kumpanyang gumagawa ng skin whitening & anti-aging beauty products na ini-endorso ni Ms. Melanie Marquez.