MANILA, Philippines – Umani ng papuri kamakailan ang batikang theater actor-director na si Audie Gemora sa pagganap niya bilang Oscar Lopez sa Undaunted: The Musicale.
Ayon kay Audie, napakalapit sa puso niya ng nasabing musical play hindi lamang dahil bahagi siya ng pamilya Lopez, kundi dahil maganda ang mensahe nito.
Tampok sa Undaunted ang kuwento ng buhay ng pamilya Lopez—mula sa mga simpleng tagumpay noong 1928, hanggang sa pagharap sa mga pagsubok noong World War II at Martial Law at sa muling pamamayagpag ng pamilya noong dekada ’90 hanggang sa kasalukuyan.
“The message of Undaunted is not only for the family itself but to their companies and employees na we’ve been through this and we pass these hardships and challenges. This family has had many ups and downs over the decades and every single time that there was a challenge they manage to rise up again,” sabi ni Audie.
Dagdag pa ni Audie: “Dati, hindi ko rin maintindihan ‘yung binabalandra sa ABS-CBN na ‘in service of the Filipino.’ Pero totoo pala! Nung sinimulan pala talaga itong mga companies ng mga Lopez, that was really in their hearts. It wasn’t just about making money because they really care for this country. I really hope that people will come to appreciate and realize the goodness of this clan.”
Napanood ang Undaunted: The Musicale noong April 23-24 sa Meralco Theatre, Pasig City. Ito ay pagpupugay sa 80th birthday celebration ng chairman ng Lopez Group of Companies.