Understandably late si Sharon Cuneta sa dinner hosted by Mother Lily Monteverde in honor of Senator Jinggoy Estrada at her own Imperial Palace last Thursday. Unang-una, Sharon’s arrival was the least that her kumpareng Jinggoy expected knowing that busy din ang Megastar. Second and more important, it was Jinggoy’s event, not a presscon for her movie kung saan karaniwang late ang aktres.
In his casual, unprepared speech, inamin ng senador na niligawan niya noon si Sharon but he was no match to a fellow actor, also a San Juan resident, na si Gabby Concepcion.
For her part, nagbalik-tanaw din si Sharon na magkaibigan na sila ni Jinggoy when she was just 13 years old.
Of course, Jinggoy and Sharon then had a common denominator; kapwa mayor sa magkaibang lungsod ng Maynila ang kani-kanilang mga ama.
Hindi man sila ang nagkatuluyan, ani Jinggoy, he ended marrying a Sharon look-alike, si Precy Vitug with whom he has four children.
Halos patapos na ang presscon when Sharon came in. Agad silang pinalibutan ng press photographers. ‘‘Dahil sa pagdating ni Shawie ngayong gabi, tiyak na naungusan ko na si Bong (Revilla),” say ni Jinggoy patungkol sa kanyang matalik na kaibigan whose ratings among the senatoriables soared high after the box office of the latter’s Panday movie.
* * *
Knowing Ate Vi (Santos), idinadaan na lang niya sa ‘‘kibit-balikat school of acting’’ ang smear campaign perpetrated by her arch rival in Batangas province, partikular na ang isyung pag-a-absent niya umano sa kanyang governor’s office.
Saksi ang mga security logbook sa kapitolyo ng Batangas kung ilang oras ang iginugugol ng aktres-pulitiko sa kanyang tanggapan, much longer than her predecessor. Isama na rin daw ang bilang ng mga dumadalaw sa kanya na humihingi ng tulong in stark contrast to her opponent na minumura pa umano ang mga nagsasadya sa opisina.
* * *
Ngayong Sunday, hindi dapat palampasin ng mga naaadik na viewers ng PO5 ang pagsisimula ng binansagang most interactive noontime program.
At the start kasi ay ia-announce na kung sinong viewer in its Texacto segment ang nakahula ng tamang presyo ng Toyota Vios, ito ’yung text promo that gives the viewers a chance to own a brand new car by just guessing!
O, ’di ba, huhula ka lang, magkakakotse ka na?