I Laugh Sabado ngayon sa Q11!

MANILA, Philippines - Ibang klaseng Saturday primetime TV viewing experience ang hatid ng Q Channel 11 simula nga­yong Sabado, April 24, sa pagsisimula ng pina­ka­bagong comedy variety show– ang I Laugh Sabado! 

Sa pangunguna ng top-notch comedians at cha­­racter actors na sina Wally Bayola, Paolo Pa­raiso, Gee Canlas, Jana Dominguez, Jan Man­ual, Alfred Marquez, at Archie Alemania at sa ilalim ng direksiyon ni Direk Bibeth Orteza, iha­hatid ng I Laugh Sabado ang mga gags, sketches, at political and showbiz skits na siguradong ika­kasakit ng tiyan ng mga manonood tuwing Sabado ng gabi. 

Sa pilot episoode nito, ang spoofs ng mada-dra­­mang Mexicanovelas at Koreanovelas ang kasa­­ma ang special guest na si Rhian Ramos. Sa­samahan din ang cast ng bandang The Bloom­fields, na kumanta ng theme song ng show-.

Show comments