Bangs maghihiganti

MANILA, Philippines -  Sa init ng mga lovescene nina Bangs Garcia at Rayver Cruz na ipinakita kamakailan, buhay na buhay na naman ang dugo ng mga daytime viewers ng top-rating teleserye na Magkano ang Iyong Dangal!

Araw-araw, busog sa drama at action ang mga manonood sa iba’t ibang kapana-panabik na eksena nina Bangs, Rayver, Sid Lucero at Karylle. Dagdag din sa ganda ng Magkano ang Iyong Dangal ang sexy scenes ng lead star nitong si Bangs kung saan madalas nitong ipinakikita ang kanyang kaseksihan.

Sa pagpapatuloy ng nangungunang afternoon drama na pang-primetime, desidido na si Carmela (Bangs) na paghigantihan si Troy (Rayver) matapos niyang malaman ang tungkol sa ginawang panlilinlang nito sa kanya. Dahil si Troy (Rayver) pala ang tunay na nagsamantala sa kanya at hindi si Andrew (Jake Roxas).

Para maisakatuparan ang kanyang mga balak, lalayo si Carmela sa mga mahal niya sa buhay kabilang na sa asawang si Nilo (Sid Lucero). Bahagi nito ang pagpa-file ni Carmela ng annulment na ikinawasak ng puso ni Nilo.

Magtagumpay kaya si Carmela sa planong paghihiganti kay Troy? Anong gagawin ni Troy sa oras na malaman niya ang mga balak ni Carmela? Tuluyan na kayang mahulog ang loob ni Nilo kay Tanya ngayong makikipaghiwalay na sa kanya ang dating asawa?

Sa direksiyon nina Chito Roño, Mae Cruz, Francis Passion at Ricky Rivero, patuloy na subaybayan ang istoryang bumibihag sa lahat, ang Magkano ang Iyong Dangal, araw-araw, pagkatapos ng Wowowee sa ABS-CBN.

Show comments