Fans ni Angel nangangalampag

MANILA, Philippines - Nangangalampag na naman ang fans ni Angel Loc­sin. Bumabaha ngayon ng e-mails ang fans ng ac­tress na naiinip sa susunod na project ng kanilang idolo.

Bakit daw wala pa silang naririnig na update sa Imortal, ang project ni Angel at John Lloyd Cruz? Naii­nip na raw sila sa kakahintay.

Ang Imortal (Lobo II) ang supposedly bagong project ni Angel at kasama sa second quarter line-up ng Dos na kasamang ini-launch sa Boracay mga three weeks ago. Kaya nga raw inip na sila. Wala raw feedback kung nag-start na ba ng taping o kung matutuloy pa ba.

Kahit daw ang pelikula nina Angel at Aga Muhlach ay matagal na nilang hinihintay, pero bakit daw wala pa rin silang update.

Iparating daw sa kinauukulan ang kanilang apela.

Heto ang sample ng kanilang sulat na lahat yata ng entertainment writers ay pinadadalhan nila :

Hi, I am a solid-die-hard-loyal KAPAMILYA and for the longest time I have supported all of your shows, programs, your artists and I believe i’m one of the Billion Filipinos around the world that made ABS-CBN, the UN­DIS­PUTED TV NETWORK IN THE PHILIPPINES!

I and the rest of the people want nothing but to see Angel Locsin on TV and on the big screen.

I miss her..her fans misses her pretty face in the boob tube. Guys, she has a lot of followers!

She’s a good actress and she deserves a comeback!!

WE WILL SUPPORT ANGEL LOCSIN!! 

Well, baka na­man naiinip lang ang mga fans at any moment ay bu­bulagain na lang tayo ni Angel na tapos na pala ang Imortal nila ni JLC at ang movie nila ni Aga.

* * *

Matanda na ang tingin ni Andi Eigenmann kay Je­richo Rosales. Kaya nang banggitin ang pangalan ng ac­tor na puwedeng i-partner sa kanya sa gagawing pelikula sa Regal Films : “Di ba too old na siya for me?”

Ang iniisip i-partner ni Mother Lily Monteverde sa kan­yang bagong alaga, si Coco Martin na hot item sa ka­salukuyan. 

Show comments