Direk Joyce binantaan ang Agua Bendita

Seen : Si Kiko Rustia sa New York para sa pictorial niya sa Benetton. May courtesy call si Kiko sa Philippine Consulate sa April 28. Si Kiko ang ta­tanggap ng Climate Change Awa­reness Award mula sa Fr. Neri Satur Awards dahil sa Born To Be Wild, ang show nila ni Dr. Ferdz Recio.

Scene : Sina Aiza Seguerra at BB Gan­dang­hari ang mga sikat na celebrity na nagpa­ha­yag ng suporta sa Ladlad, ang partylist na ikina­kam­panya ng mga gay at lesbian.

Seen : Sina Senator Noynoy Aquino at Makati City Mayor Jojo Binay ang mga pre­sidentiale at vice-presidentiable na sinusuportahan ng Ladlad.

Scene : Ang biro ni Joyce Bernal na pata­taubin ng BFGF ang Agua Bendita sa loob ng tatlong taon. Si Joyce ang direktor ng BFGF, ang youth-oriented show ng TV5 na napa­panood tuwing Linggo, 4: 00 p.m.

Seen : Hindi cooperative ang touch screen TV na ginagamit ni Ivan Mayrina sa newscast nito sa QTV 11.

Scene : Ang report ng Mojo Box-Office sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas mula noong March 31 hanggang April 4.

Show comments