Alahas ordinaryong panregalo na lang sa showbiz

The first few times I got to interview Jessy Men­diola, hindi pa siya ganun ka-stunning. Siguro dahil batang-bata pa siya, mga 14 or 15? Pero sa pina­kahuling birthday presscon ng Star Magic na kung saan nakasama siya kahit her birthday did not fall on the month na isini-celebrate ng maraming Star Magic talents, nagsimula na siyang magpakita ng kakaibang aura. Maybe it was due to the fact na mayroon na siyang dapat ipag­malaki. Kasama siya sa isa sa top rating series ng Kapamilya network, ang Kung Tayo’y Magkakalayo topbilled by Kris Aquino, Kim Chiu, Gerald Anderson, Coco Martin, Gabby Concepcion, Jaclyn Jose, and a star studded cast. Maganda ang kanyang role bilang girlfriend ni Coco and, surprisingly, maganda ang ipina­mamalas niyang acting. Kaya ang isang linggo sanang guesting niya sa series ay na-extend pa ng dalawang buwan. Kailan lamang nagpaalam ang character niya sa series at hindi niya alam kung ibabalik pa ito.

“I owe a lot to Coco, ang galing niyang actor, magaling din siyang magdala ng kapareha, nahawa ako sa galing niya,” sabi niya during the presscon for Gimik 2010, the reunion of the well loved original teen barkada which was aired 14 years ago and was directed by Laurenti Dyogi. Ang latest version na dinidirek ni Erick Salud ay mapapanood simula sa April 25, Sunday, pagkatapos ng ASAP XV.

May dalawang kasama si Jessy nang humarap sa press para sa promo ng Gimik 2010 – sina Lan­ce Christopher at Franco Daza. Silang tatlo ang bubuo ng pinakabagong love triangle na sina Judy Ann Santos, Diether Ocampo at ang nasirang si Rico Yan ang gumanap.

Siyempre, excited si Jessy dahil pag-aagawan siya ng dalawang guwapong lalaki.

Parehong US based sina Lance at Franco. Both came back dahil may balak na ang mga ma­gulang nila na dito na manirahan. Nauna na ang pamilya ni Lance at susunod na ang kay Frank.

Isinilang sa California si Lance pero lumaki sa Hawaii. Kasama niyang naninirahan dito ang kan­yang ina at dalawang kapatid, edad 15 at 4 year olds.

First assignment ni Lance ang Gimik 2010 pero bago ito, nag-undergo siya ng dalawang acting workshops kay Rhyan Carlos para ma­gam­panang mabuti sa series ang role ng leader ng G, meaning gorgeous, group, captain siya ng basketball at ka-partner ni Jessy.

Mula naman sa kilalang pamilya ng magagaling magluto si Frank. His father is Sandy Daza who hosts his own cooking show for the longest time. Kahit nasa abroad na ito ay palagi pa ring umuuwi rito para sa show. Lola niya si Nora Daza, isa sa pinaka-pioneer sa pagluluto sa paghu-host din ng cooking show sa Pilipinas.

Frank grew up in Canada, umalis siya ng Pilipinas when he was 10 years old and came home only in 2009 to visit. Hindi na siya umalis pa ever since, hinihintay na lamang niya ang pag­dating ng kanyang pamilya rito. Meanwhile, ang pinsan niyang si Isabela Daza, anak ni Gloria Diaz, brings him around.

* * *

‘Di magtatagal maraming bahay ang mawa­walan ng liwanag, paano mawawalan sila ng ilaw, mapuputulan ng kuryente dahil mahihirapan na silang bayaran ang napakataas na singil ng Meralco.

Kung ako nga na may trabaho pa rin at may asa­wang naghahanap-buhay ay baka manganib na maputulan ng kuryente dahil ang matagal ko nang iniiyak na napakataas na Meralco bill ko (more than P7,000) ay halos umabot na sa P10,000 para sa buwan ng Abril. Eh, Saturday and Sunday lang ako gumagamit ng aircon, 7:00 p.m. to 7:00 a.m. At sa ku­warto lang ito. Lutung-luto na kami sa electric fans at kung weekends lang kami nakakapag-aircon, tapos ganun pa kataas?!

Wala na kayang paraan para naman ito mabawasan? Eh, ang liit-liit na­man ng bahay ko, 50 sq. m lang. Kung lahat ng bagay ay walang humpay sa pagtaas, paano pa kami kakain? As it is, ‘di na kami lumalabas ng bahay para tipid, ‘di kumakain sa labas, ‘di na nagmo-malling. Lumalabas na lang kami, umuupo sa harapan ng bahay para magpa­amig tuwing late afternoon o early evening.

Kaya, gusto ko nang matapos ang eleksiyon, baka may magawang solusyon ang susunod na uupo. I’m sure sinuman ang manalo ay magiging mas mabuti kesa sa kasalukuyang namumuno na mukhang nawalan na ng ganang mamuno ng mahusay.

* * *

Alahas ang paboritong ipinangregalo ngayon sa mga artista. Si KC Concepcion, binigyan ng kanyang inang si Sharon Cuneta, bukod pa sa mga signature bags, ng isang set ng alahas bilang gift sa kanyang katatapos na kaarawan. Dahil sa kalakihan ng halaga ng mga regalo sa kanya, sinasabi tuloy na parang pamana na ito ni Mega sa kanyang dalaga.

Mamahaling set ng alahas din ang regalo kay Lovi Poe ng hindi pa raw niya boyfriend pero masugid na suitor na si Ronald Singson. May ilang quarter na nagsasabing tinanggihan daw ng aktres ang mga alahas dahil sa kalakihan ng halaga nito at dahil din wala pa silang pormal na relasyon ng anak ng gobernador na si Chavit Singson. Sinasabi rin naman ng marami na hindi na magtatagal at ibibigay na ni Lovi ang kanyang oo kay Ronald. 

* * *

Tama ‘yung panawagan ni Vice Mayor Herbert Bautista sa COMELEC na siguruhin na makararating sa 1.2 M botante ng QC ang mga sample ballots. Kailangang-kailangan ito para malaman ng mga boboto kung sino ang mga kumakandito at sino ang kanilang iboboto sa eleksiyon sa Mayo 10. Ang mga sample ballots na ito ay makapagbibigay ng impor­mas­yon sa mga botante dahil nagtataglay ito ng mga pa­ngalan ng lahat ng kandidato at itinatalaga ito ng batas sa COMELEC na matanggap ng lahat.

Show comments