Pinsan pa ng dating bestfriend na actress: Actress pumatol sa lalaking may asawa, buntis pa ang asawa

Matindi ang away ng dalawang aktres na dating best of friends mula nang madiskubre ni Actress A na pati ang pinsan niyang may asawa ay naka-fling ni Actress B. Aksidente ang pagkakadiskubre ni Actress A sa relasyon ng dalawa - nabasa niya sa cell phone ng pinsang lalaki ang text messages ni Actress B pati ang message kung saan nag­tanong si Actress B kung saan sila magmi-meet.

Ang ikinagalit ni Actress A kay Actress B, alam nitong malapit nang manganak that time ang misis ng pinsan niya, pero nakipagrelasyon pa rin ito sa pinsan niya. Ang nakaloloka pa, sa halip na sa tabi ng asawa, nakikipagkita ang pinsan kay Actress B.

Mula noon, war na ang dalawa at kahit pangalan ni Actress B ay ayaw nang marinig ni Actress A. Lalo pang nadismaya si Actress A sa kaibigan nang ma­laman ang rason kung bakit nakipagrelasyon ito sa pinsan niya.

* * *

Simula pa kahapon hanggang Saturday, nasa Subic si Mark Herras para magbakasyon kasama ang GF na si Ynna Asistio at ang family nito dahil du’n magsi-celebrate ng birthday si Nadia Montenegro. Pamilya na ang turing ng mga Asis­tio kay Mark, kaya join ito sa kanilang mga outing na siyempre, ikinatutuwa nina Mark at Ynna.

Bakasyon sina Mark at Ynna ngayon, wala silang taping ng Diva dahil wala si Regine Velas­quez at sa Bohol naman magsi-celebrate ng birthday sa April 22. Masaya si Mark dahil bukod sa Diva, isa rin siya sa three leading men ni Heart Evangelista sa Langit sa Piling Mo kasama sina Daniel Ma­tsu­naga, JC Tiuseco, Arci Muñoz, at Katrina Halili.

Ang problema lang ni Mark, may bigote at bal­bas ang karakter niya sa Diva at wholesome ang karakter niya sa Langit…, bilang COO ng isang airline company. Hindi nito alam kung ire-require ni direk Gil Tejada na mag-ahit at paano naman ang continuity ng role niya sa Diva?

At least, hindi tungkol sa babae ang problema ni Mark, kundi dahil sa trabaho at tila seryoso na ito sa career na ikinatutuwa ng GMA Artist Center.

* * *

Ngayong Wednesday sa The Last Prince, hin­di naitulak sa kawa si Lara (Kris Bernal) dahil na-save ni Jerrick (Carl Guevarra) at sabay na tatakas ang dalawa, pero magkakahiwalay sila.

Makakarating sa Paladino sina Almiro (Aljur Abre­nica) at fake Lara at maninibago ang ilan kay fake Lara dahil sa mga kilos at ayaw tumingin sa salamin. Sa pagtakas ni real Lara, makikita niya si Almiro na eksaktong mangangaso, magkita kaya ang dalawa?

Show comments