In its May 2010 issue of YES! Magazine released yesterday, nakabandera ang 20 Stars Who Ruled the Decade, ito ang mga bituin who — so goes the blurb — drew the crowds, made networks rich, rang the tills, and defined pop culture in the last 10 years.
The ratio is 12 is to 8 in favor of ABS-CBN stars, na kung tutuusin ay hindi na dapat isama sa walong stars si Vic Sotto who’s a freelancer at si Claudine Barretto na last year lang naman pumirma ng kontrata sa GMA 7.
Pinangunahan ni Kris Aquino ang nasabing talaan with a tail-end slot shared by Ogie Alcasid and Michael V.
Richard Gutierrez is at No. 13, habang inokupa naman ng magdyowang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang 15th and 16th slots, respectively.
But of the 20 stars who made it to the list, marami ang tiyak na magtataas ng kilay kay Bea Alonzo na nasa ika-14 na puwesto. Ang lagay, tinalbugan pa niya si Sarah Geronimo na nasa No. 18?
Kung sabagay nga pala, the inclusive period is from 2000 to 2009, but still, who was Bea at that time compared to Sarah?
Nagtatanong lang po, Tita Jo-Ann Maglipon.
* * *
April 15, Huwebes, nang tutukan pa ng Startalk ang pangangampanya ni Ricky Davao sa mga lugar na nasasakupan ng District 4 sa Quezon City, only to withdraw the following day sa kanyang pagtakbo bilang konsehal.
If Ricky pursued his candidacy, it would be to the detriment of his current movie, damay pati ang mga production companies involved dito.
Parang mahirap namang paniwalaan na nito lang napagtanto ni Ricky ang isinasaad ng Fair Elections Act that prohibits actors like him from appearing on TV and in movies bilang mga artista sa kasagsagan ng kanilang pangangampanya.
At the very onset, aware naman siguro si Ricky kung kailan maipalalabas ang kanyang pelikula (na ayon sa isang respetadong film critic ay hindi nakakatawa. Direk Ishmael Bernal must be turning in his grave Direk Joey Reyes!), pero halfway through the local campaign period, saka siya magba-back out?
Sinsero din lang si Ricky sa kanyang hangaring makapagsilbi, pero hindi ito ang nakikitang dahilan ng kanyang withdrawal. Truth is, matagal nang usap-usapan ang kakulangan, kundi man kawalan, ng suportang pinansiyal ang kinaaniban niyang partido.
Ayaw ni Susan Roces at Susan Enriquez ng ganyan, ’di ba, Annie Batungbakal na taga-Frisco?
* * *
Nagpa-impress sa ilang miyembro ng press ang wala pang sampung taong gulang na batang babaeng anak ng isang mayoral bet sa isang lungsod ng Metro Manila. Ipinakilala nito ang kanyang magulang sa bibong paraan.
Naalaala tuloy ng press ang kalistuhan din noon ni Kris Aquino, ’yun ay noong bagets pa ito na ikina-proud siyempre ng kanyang mga butihing magulang.
May nagtanong tuloy: “Do you wanna be like Kris?”
Sagot ng anak ng mayoral bet: “No… no way!”