Uy dapat mag-seminar si Rayver Cruz kay John Lloyd Cruz. Kung paano maging magaling na aktor, sumikat, at kung paano manligaw.
Parang kulang sa bagay na ’yan ang bagets na aktor na napag-uusapan lang ngayon dahil sa walang katapusang pagli-link kay Sarah Geronimo.
Aba, kung hindi pa siya na-link kay Sarah, hindi magkakaroon ng awareness ang mga tao sa kanya.
I remember, sa presscon ng Magkano ang Iyong Dangal, ang afternoon show ng ABS-CBN, si Sarah na ang subject ng kanyang interview. At heto, matatapos na lang ang nasabing show nila ni Bangs Garcia, si Sarah pa rin ang topic sa lahat ng interview niya.
Eh si John Lloyd, never nagsalita tungkol sa kung sinong nali-link sa kanya. Iwas na iwas si John Lloyd dahil nga hindi naman proper na pag-usapan ang ganyang bagay in public unless gusto mo rin.
Kung maalaala n’yo, nilayasan pa ni John Lloyd si Gretchen Fullido ng TV Patrol dahil nag-attempt itong tanungin ang tungkol kay Shaina Magdayao. Hanggang ngayon, nagsalita ba si John Lloyd? Hindi. Kasi gentleman siya.
May potential pa naman si Rayver, kaya sana mabuting mag-focus siya sa career niya at ’wag nang gawing big deal ang sinasabi niyang mahal niya si Sarah at nililigawan niya.
Nakakaloka lang na panay ang pa-interview niya dahil kay Sarah.
Poor Sarah. Gamit na gamit.
Kung gusto niyang ligawan, hintayin niya or kung mabuti silang magkaibigan eh ’di keep it private.
Hmmm, at parang hindi alam ni Rayver kung bakit galit sa kanya ang magulang ni Sarah.
Baka naman kasi kinakaibigan niya si Sarah pero bad influence naman siyang kaibigan. Walang magulang na kokontra sa isang manliligaw ng anak na mabait at mabuting tao.
Dapat nga maging challenge ’yun kung galit sa kanyang panliligaw ang mommy and daddy ni Sarah kung seryoso siya ’di ba? Kesa naman magkuwento siya sa mga kaibigan niya at magpa-interview at ikuwento pa na kinausap siya ng tatay ni Sarah.
Sa ganitong bagay ka bibilib kay John Lloyd talaga. Wala kang maririnig na kuwento tungkol sa panliligaw niya kahit kanino.
Hopefully, pagka-ending ng Magkano ang Iyong Dangal, tapos na rin ang issue sa kanila ni Sarah.
* * *
Nanumpa bilang mga bagong members ng Cinema Evaluation Board (CEB) last Tuesday sina Direk Mario O’Hara, Ms. Perla Bautista, and Mara Lanot.
Nanumpa sila sa harap ni CEB Chairman Cristine Dayrit at ilang CEB members na present last Tuesday para sa screening ng Working Girls na naka-B. Ilan sa mga members na present aside from me – Fort Yerro, ang veteran actors na sina Tommy Abuel and Chinggoy Alonzo, June Keithley, Butch Francisco, and Kaye Jimenez.
May ilang hindi na-renew ang kontrata na members kaya may ilang bagong miyembro ang pumasok sa nasabing umbrella organization ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinangungunahan ni Mr. Jackie Atienza.