^

PSN Showbiz

Katrina pasok sa Panday

-

MANILA, Philippines - Mas lalong magiging makulay at kapana-panabik ang pakikipagsapalaran ng Panday Kids dahil sa pagdating ng mga bagong tauhang aabangan ng mga manonood gabi-gabi sa primetime.

Itinatampok si Katrina Halili sa kanyang natatanging pagganap bilang si Wenoa, ang babaeng taga-mundo ng Mystiko na tutulong sa Panday Kids para makarating sa kweba ng Talim. Siya ay magiging isa sa mga kakampi nina Hadji, Charlie, at Oliver sa kanilang paglalakbay. Bukod sa kaniyang ganda at kaakit-akit na anyo, hahangaan ang galing ni Wenoa sa pakikipaglaban gamit ang kanyang armas na pana.

Ipinakikilala rin sina Sheena Halili bilang si Oxana, Rob Sy bilang si Barbaro, at Miguel Tanfelix bilang si Sintoy. Silang tatlo ang mga alagad ni Andreas (Ryan Eigenmann) na magiging kalaban ng Panday Kids. Tutulungan nila si Andreas na hanapin at patayin ang tatlong bata.

Silang apat ang mga bagong mukha na mamahalin at kaiinisan ng mga manonood at makakasama ng Panday Kids na sina Julian Trono bilang Hadji, Sabrina Man bilang Charlie, at Robert “Buboy” Villar bilang Oliver.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, kasama ang grupo ni Anselmo, matatalo kaya nina Hadji, Charlie, at Oliver sina Andreas at ang kanyang mga alagad? Makararating kaya sila sa Kweba ng Talim?

Lunes hanggang Biyernes ang Panday Kids, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

vuukle comment

ANDREAS

BILANG

JULIAN TRONO

KATRINA HALILI

MIGUEL TANFELIX

PANDAY KIDS

ROB SY

RYAN EIGENMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with