Nang magkita kami ni John Estrada kasama ang kanyang girlfriend na si Priscilla Merilles at talent manager na si Wyngard Tracy sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City nung nakaraang Huwebes ng gabi, kinumpirma nito sa amin na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon sila magpapakasal pero walang definite date itong ibinigay. Kitang-kita namin kina John at Priscilla ang pagiging in-love nito.
Samantala, nanatiling cold ang ex-wife ni John na si Janice de Belen sa tuwing itinatanong sa kanya ang kanyang ex-husband.
Halatang hindi pa rin on friendly terms ang dating mag-asawa considering na matagal na silang hiwalay at annulled na ang kanilang kasal.
* * *
I’m sure Salve A. natatandaan mo pa ang dating aktres na si Ana Marin. (Hindi na po. Hindi ko na siya naabutan. Hahaha. - SVA) Isang kaibigan namin sa Las Vegas, Nevada ang nagkuwento sa amin na napakaganda umano ng kalagayan nito ngayon sa nasabing lugar dahil isa na itong successful real-estate broker at top executive o isa sa mga bosses sa kumpanyang kanyang kinabibilangan. Hindi nga lamang namin natanong kung ito’y may pamilya na roon.
Nung aktibo pa sa kanyang showbiz career si Ana, na-link ito sa isang kilala at tinitingalang actor-producer kung kanino siya may isang anak.
Samantala, ang isa pang maganda ang lagay ngayon sa Las Vegas ay ang dating That’s Entertainment regular at OctoArts talent na si Mikee Villanueva na isa nang Mrs. Michelle Villanueva Cadiz.
Kung may pera ka, Salve A., this is the best time na mag-acquire ng property sa Vegas dahil bagsak ang real-estate business doon sanhi ng recession. (Hahaha. I wish. Di pa nga ako nakakarampa sa Vegas. – SVA)
* * *
Maganda ang tayo ngayon sa Las Vegas ng isang male singer kaya dapat lang siguro na tulungan niya financially ang kanyang dating manager na naghihikahos sa Pilipinas. Alam mo, Salve A., malaki ang hirap ng dating manager sa dati niyang alaga na siyang naging sanhi ng kanyang paghihikahos ngayon.
Itinaya ng talent manager ang kanyang lifetime savings para sa kanyang ward mapasikat lamang ito pero hindi ganoon ang nangyari. Namulubi ang talent manager pero never man lamang siyang tinulungan ng kanyang dating alaga na dahilan ng pagdurusa ng kanyang (manager) kahirapan.
* * *