Sa bagong album ni KC Concepcion under Sony Music, titled KC, ay may sinulat itong tatlong awitin na pinamagatang Magandang Umaga, Takip Silim, at Worth the Wait na kabilang sa 12 tracks ng kanyang sophomore album.
Magaganda ang nilalaman ng awitin at makahulugan ang mga lyrics kaya napaiyak ang megastar na si Sharon Cuneta, ayon kay KC. Ang tatlong komposisyon ng magandang aktres ay naglalarawan ng iba’t ibang yugto sa kuwento ng pag-ibig.
Co-produced ni KC si Jinno Mina sa apat na awitin sa bagong CD — Hulog, Naantig Ako sa ’Yo, Girl Most Likely To, at Tayo Na.
Inaayos na ng Sony Music ang mall tour ni KC na magsisimula ngayong Abril hanggang Mayo.
* * *
Sa presscon ni Gov. Bongbong Marcos ay kasama nito ang kanyang asawang si Liza Araneta at tatlong lovable kids na sina Sandro (16), Simon (14), at Vincent (12) na tipong artistahin. Dito lang nag-Easter ang tatlong bagets at babalik din ng England kung saan dun sila nag-aaral.
Tinanong si Liza kung paano niya ilalarawan bilang asawa si Bongbong, gayundin ang tatlong anak bilang ama naman nila.
Sagot ni Liza, “The best husband. At kahit noong mga bata pa ang mga anak namin ay siya ang nagpapalit ng diapers.”
Para kay Sandro ay hardworking ang kanilang ama. Unique naman ang sagot ni Simon at “persistent” para kay Vincent.
Natawa kami sa sinabi ni Bongbong na Marcos Monsters ang tawag niya sa tatlong anak at mga pamangkin. Ang mga pamangkin kina Imee at Irene ang tinutukoy ng senatoriable.
Si Imee ay may dalawang anak na lalaki at tatlong anak na lalaki rin ang kay Irene.
“Noong maliliit pa sila, super gulo at makulit pa kapag nagkakatipun-tipon sa bahay. Para silang mga kabayong nagtatakbuhan,” sey ni Bongbong.
Napatunayan na kung paano pinahalagahan ng kanyang ina at mga kapatid ang kultura at sining gaya ng pagbibigay ng tribute sa mga Cultural Center of the Philippines artists.
Mahal ni Bongbong ang movie industry kaya kapag naging senador ay aalamin nito ang mga dahilan kung bakit matamlay ang kalagayan ng industriya ng pelikulang Tagalog at tutulungan para makaahon ito.