^

PSN Showbiz

Host ng Tweetbiz inoperan ng baklang TV personality ng P5K nagpapatsugi

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Muling nakasama ng programang Tweetbiz si Suzuki, ang Fil-Japanese na nakipagsapalaran sa Survivor Philippines Palau. Isa sa mga orihinal na papa­razzi ng naturang show si Suzuki, na muling naki­silip sa mga showbiz intriga in a taped summer episode recently.

Nanariwa tuloy ang kuwento niya tungkol sa ‘in­decent proposal’ ng isang baklang TV personality. By accident ay nagkita si Suzuki at ang bida sa isang bar sa Quezon City. Lumapit ang bading, obvious na naghahanap ng panandaliang aliw ng gabing ‘yon.

Palibhasa may pagkabastos ang tabas ng dila ng bakla, kaya hindi na nagtaka ang ilang kasa­ma­han ni Suzuki na mas nakakakilala sa karakas ng bakla. Wala raw itong kaabug-abog na sinabihan si Suzuki ng, “Tsu…in kita, bayaran kita ng P5,000. Hindi ka pa naman sikat, eh!” may halong pang-iinsultong dayalog ng bakla.

Para hindi na lang mapahiya, ngumiti lang daw si Suzuki, pero sa loob-loob niya, tama pala ang mga kuwentong naririnig niya tungkol sa TV per­sonality na ‘yon na kung babaybayin is spelled (all caps) B-A-L-A-H-U-R-A!

Anong ilusyon daw kasi ang pumasok sa kukote ng baklang ‘yon na bayaran o pumapatol sa bakla si Suzuki just because he was hanging around at a bar? Hindi raw dahil sa maliit ang offer ng bakla, kundi pangmamaliit daw ‘yon sa kanyang pagkatao.

Natanong tuloy namin si Suzuki kung “for sale” nga ba siya sa mga baklang parokyano, hindi raw. That very moment, gusto ko sanang ipagtanong ang cellphone number ni John Lapus para hili­nging isa­lang sa Don’t Lie To Me segment niya sa Showbiz Central si Suzuki. But I doubt kung ipaghahagisan si Sweet ng kanyang mga back-up dancer dahil totoo lang ang isasagot ni Suzuki.

Ang baklang TV personality ring ito ang nan­lillibak sa Tweetbiz, kesyo hindi raw bagay si Tim Yap sa prog­rama, kesyo hindi raw credible ang mga papa­razzi. Hindi raw kasi tulad ng TMZ ang naturang show. Exactly. Hindi talaga dapat kopyahin ng Tweetbiz ang eksaktong format ng TMZ dahil madedemanda ito.

It occurs to me na baka insecure lang ang baklang ‘yon at hindi siya kabilang sa Tweetbiz, what do you think, Tito Gorgy and Shalala?

Teka, hindi perya ang Tweetbiz, walang puwang doon ang palakasan ng boses na wala namang ka­wa­waan ang sinasabi, ‘no. Kung makapang­husga naman ang baklang ‘yon, akala mo, benchmark ang gina­gawa niyang pagho-host na click lang sa mga piyesta.

No wonder, sa rami ng mga naiiritang executive producer ng isang istasyon, inaayawan nila ang guesting ng baklang ‘yon. Ayoko siyang panga­lanan, baka sumikat pa.

* * *

Kayong mga viewers at studio audience, brace yourselves sa nakakalokang sorpresa ng PO5 ngayong Sunday. Bukod kasi sa mga explosive production numbers at entertaining contests, this is your chance to win big prizes, kabilang na rito ang isang brandnew Toyota Vios.

Kaya Suzuki, join na, you might be the lucky winner of the car, at sagasaan mo nang bonggang-bongga ang baklang type kang hadahin for a cheap fee.

BAKLANG

BUT I

JOHN LAPUS

KAYA SUZUKI

LSQUO

SHY

SUZUKI

TWEETBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with