Isang kaibigan namin sa Los Angeles, California ang nagbalita na naispatan ang controversial actress na si Krista Ranillo sa As One back-to-back concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa L.A. na may ka-date na isang Filipino (American citizen) businessman na nagmamay-ari ng isang malaking Filipino grocery doon. Ayon sa aming source, hindi na umano tinapos ni Krista at ng kanyang kasama ang concert nina Martin at Gary at maaga silang umalis.
Although binata ang ka-date ni Krista nung gabing ‘yon, engaged to be married na umano ito sa kanyang longtime girlfriend na isa ring Filipina. The same source told us na may sariling fashion line business na sa L.A. si Krista at tinulungan umano itong mag-put-up ng kanyang business ng tiyuhing si David Tupaz, kapatid ng kanyang mommy na si Linda Tupaz-Ranillo.
Sa isang trade show sa Las Vegas, Nevada ay ni-launch ang bagong fashion line ni Krista.
Ngayong may sariling negosyo na si Krista sa Amerika, tiyak na hindi pa rin maiaalis ang pagdududa ng marami kung saan galing ang kanyang puhunan sa kanyang business considering na hindi naman gaanong busy sa kanyang showbiz career.
* * *
Dalawang beses nang nagpakasal ang isang kilalang aktor. Hindi tumagal ang marriage nito sa una niyang asawa at ang pangalawang pagpapakasal nito sa isa ring Pinay na naka-base sa Amerika ay halatang ‘for convenience’ lamang dahil sobrang malaki ang agwat ng kanilang mga edad. Ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung bakit ‘pumatol’ ang aktor sa kanyang pangalawang asawa (?). Kung greencard o citizenship lamang ang habol nito, madali itong makuha ng aktor kung ninais niya. Puwede rin siyang nagpakasal sa isang kaedad o mas bata sa kanya sa Amerika dahil guwapo naman siya kaya marami ang shocked hanggang ngayon sa ginawa niyang pagpapakasal sa isang may edad na babae na halos kasing edad na ng kanyang ina ilang taon na rin ang nakakaraan.
Dahil sa ginawa ng aktor, marami tuloy ang nagdududa ngayon sa kanyang gender lalupa’t pawang mga gay ang kanyang mga kaibigan at kasa-kasama ngayon sa Amerika.
Ang aktor ay naka-live in din sa Pilipinas ng isang singer-actress na wala na ring career ngayon.
* * *
Gumagawa na rin ng sariling pangalan sa Amerika ang Filipina immigration lawyer na si Atty. Jemela Nettles dahil marami-rami na ring mga Filipino ang kanyang natulungan na gustong mag-migrate sa Amerika. Marami na rin sa ating mga Filipino celebrities ang natulungan niyang makapag-acquire ng greencard at kasama na rito sina Jolina Magdangal, ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa, April Boy Regino at pamilya nito at maging ang singer-actor na si Miguel Vera at pamilya nito, ganoon din si Marco Sison at ng kanyang pamilya. Maraming beses na rin siyang nag-process ng mga visas ng mga entertainers.
Ang maganda kay Atty. Nettles, maganda ang kanyang PR at very affordable ang kanyang asking kaya in-demand ang kanyang services hindi lamang sa Amerika kundi maging sa mga Pinoy na nagnanais na magtungo ng Amerika either bilang turista, working and student visas, investor’s visa, permanent residency at iba pa.
* * *