MANILA, Philippines - Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng ‘personal shopping’ para sa mga artista at iba pang kilalang celebrity sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-22 hanggang ika-24 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.
Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produktong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, mga damit, fashion accessories, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang One Town, One Product ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.
Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249 at 216-6022.
Alamin ang karagdagang detalye ukol sa Aliwan Fiesta sa website na http://www.aliwanfiesta.com.ph