Cristine sinasawaan ng lalaki

Kung may fan sa pamilya ni Bongbong Marcos, ito ay ang misis niyang si Liza, isang abogada. Isa itong fan ni Sharon Cuneta at minsan na itong nagtampo sa kanyang mister dahil hin­di siya nito naipakilala kay Mega nang minsan ay magkasama-sama sila sa isang okasyon.

* * *

Mabuti na lamang at maganda si Cristine Re­yes at umaarangkada ang career kundi mai-in­secure ito sa pangyayaring lahat nang nawawala sa kanyang boyfriend ay napupunta kay Jennylyn Mercado. Una si Mark Herras at ngayon si Den­nis Trillo. Ibig sabihin ba nito ay may common characteristic sila ni Jennylyn na ikinagugusto ng mga lalaki?

Pero sigurado na ba sina Jennylyn at Dennis? Sabi nila hindi pa raw. Yun ba ang tinatawag na mutual understanding? Wala nang ligawan, relasyon agad? Di kaya nagkakasundo lang sila dahil may one thing in common sila, pareho silang single parent at may common topic to discuss?

* * *

Isa pa pala sa mga artistang kumakandito ngayong eleksiyon ay itong si Ricky Davao. Tu­ma­takbo ito bilang konsehal sa ikaapat na distrito ng Quezon City.

Marami ang nagulat nang makita siya sa presscon ni Bongbong Marcos. Yun pala kai­bigan niya ito at suportado niya ang kandidatura nito.

Isang mahusay na actor si Ricky na kung isa­sama ang mga anak nila ni Jackielou Blanco sa kampanya ay sigurado nang mananalo siya. Pero hindi niya ito ginagawa, iginagalang niya ang privacy ng mga bata kahit sila pa ang nagpi­pri­sintang sumama.

Magaganda ang mga anak niya, puwedeng mag-artistang lahat pero mas binigyan niya, nila ni Jackeilou ng prioridad ang pag-aaral ng mga ito.

Mga bata ang target ng serbisyo niya kapag pinalad na manalo. Gusto niyang makitang drug free, crime free ang lungsod, lalo na para sa mga kabataan na tulad ng kanyang mga anak.

Show comments