Aljur-Kris tandem, minamaliit?!
May nakapagsabi lang sa akin na minamaliit sa isang programa sa telebisyon ang tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, isa sa mga pambatong tambalan ng GMA 7. Anuman ang kinahinatnan ng isa nilang ginawang pelikula na ang pagpapalabas ay nasabay sa isang malaking kalamidad, hindi mapasusubalian na tanggap sila ng mga manonood sa TV, at sinusubaybayan ang kanilang mga serye. Kaya nga nagri-rate ang mga ito.
Maaaring hindi pa nila talunin sa kasikatan ang tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson pero mas nauna namang hindi hamak ang dalawa sa kanila. Suffice it to say na mayroon na silang sariling hukbo ng tagahanga at kung maaalagaan sila ng husto sa mga projects, they can be bigger stars.
Huwag naman masyadong mayabang sa pagmamaltrato sa dalawa. Both are trying to be the pair na inaasahan ng mga tagahanga, but they can not fake a romance. Makuntento na lamang tayo na sa punto na ito ay honest sila.
* * *
Nagsimula na pala nung Linggo ng hapon ang Paparazzi, ang panlaban ng TV 5 sa The Buzz ng ABS-CBN at Showbiz Central ng GMA 7.
Wala namang masyadong ipinagkaiba ang tatlo, pare-pareho naman itong nagbabalita tungkol sa artista pero dahil nagsisimula pa lamang ang palabas ng Singko kung kaya medyo matapang sila sa kanilang mga exposé. Hindi mga hosts ang naglalaban-laban sa puntong ito kundi ang mga writers at researchers nila na walang pinatatawad makakuha lamang ng mga scoops.
May bentahe lamang sina Cristy Fermin at Dolly Ann Carvajal dahil may sarili silang battery of sources. Bukod pa ito sa mga sources ng kumpanya. At madali silang maka-hit ng kalabang hosts dahil mga kaaway na nila ang mga ito ngayon. Tulad nina Ruffa at Cristy kay Kris Aquino, si Cristy kay Boy Abunda, at ang mga nagiging subject ni Dolly Ann sa kanyang column.
Mahirap sigurong i-wish na magkaroon sila ng healthy and friendly competition dahil hindi na sila friends pero sana hindi mauwi ang mga programa nila sa mga personal na away. Programa lamang ang dapat maglaban, hindi sila.
* * *
Tumatanaw naman pala ng utang na loob ang Viva sa ABS-CBN kaya hindi nito aalisin si Sarah Geronimo sa ASAP. Ganun? So, career move para kina Mark Bautista at Rachelle Ann Go ang ginawa nilang paglilipat dito sa Party Pilipinas and not for anything else?
Ganun talaga ang takbo ng local showbiz. Walang kai-kaibigan, ang mga personal na interes lamang ang namamayani.
* * *
Ordinaryo na sa mga artistang lalaki ang mayro’ng sariling makeup kit. Bahagi na ng pagiging artista ang mag-makeup, mapa-lalaki man o babae. Hindi porke nagme-makeup ay bakla na. At marami ring bakla na hindi nga naka-makeup pero totoong bakla naman.
Pero after Ricky Martin bakit parang nabibigyan na ng signal ang mga matagal nang nagtatagong bading to come out in the open? Ang problema nila baka mawalan sila ng career pero saan ba mas liligaya ang bading, sa pagbubunyag ng kanyang kasarian na dahilan para mawalan siya ng career o sa pagiging matagumpay sa kanyang propesyon pero malungkot naman?
Kayo, saan kayo?
- Latest