Claudine ayaw nang pag-usapan si Gretchen

Strictly no questions about Gretchen Barretto ang instructions ng kampo ni Claudine nitong mag-guest ito sa Startalk. Ang mga inaprubahang tanong lang ay may kinalaman sa drama special ni Clau­­dine sa GMA, na ewan kung especial drama naman ng aktres ang umiwas sa mga tanong tungkol sa kanyang ate.

Pero nakahanap ng paraan ang mga Startalk hosts na sina Ricky Lo, Lolit Solis, at Butch Francisco. It was Tito Ricky who broke the ice bagama’t idinaan niya sa disimuladong pagtatanong, if not a general re­ference to the controversial issues involving their subject.

Halatang nag-shift ang mood ni Claudine from happy to obviously she never wanted anything about her elder sister tackled. As if naman, maiiwasan ’yon ni Claudine na kahit saang talk show siya maglibot ay mas pag-iinteresan ng mga manonood ang away nilang magkapatid.

Claudine should realize, too, that she’s transferee who neends to adjust to a new culture, kaya there’s no room for overacting. In fairness though to her, hindi siya kagaya ni Gretchen na nag-walk out uncomfortable with the questions thrown her way. Buti’t hindi niya sinubukan.

* * *

Noong isang linggo pa bugbog na bugbog ang guesting ni Maria Venus Raj shortly after she was stripped of her Binibining Pilipinas-Universe title.

Una siyang napanood ng live sa The Buzz. Last Thursday nu’ng mag-guest naman siya sa Tweetbiz. Nitong Sabado, from Wowowee ay lumukso naman siya sa Startalk. In a week’s time, you’re talking of four live TV appearance, at nagbunga naman ng maganda ang kanyang pangangalampag.

Nito ngang Sabado, nag-release ng statement ang BPCI reinstating her, pero kailangan siyang makakuha ng valid Philippine passport to make it in time for the Miss Universe preparations. Entonces, hindi ’yon isang kun­disyon ni Ms. Stella Marquez de Araneta, kundi maliwanag na paglambot ng kanilang puso even if their earlier decision was final.

Sa ngayon, hindi pa alam ni Venus kung ano ang host country ng naturang international pageant at kung kailan ito idaraos. Given this much furor over her dethronement and reinstatement, mas may bentahe si Venus sa mga kandidatang makakalaban niya… sa Doha, Qatar kaya?

* * *

It’s Eric Quizon’s turn to direct Maricel Soriano in her 5 Star Specials (on TV5) sa pinakamadramang yug­tong pinamagatang Bigti.

Kuwento ito ng isang inang nakipagsapalaran sa Singapore bilang isang domestic helper only to come home na patay na ang nag-iisang anak na lalaki. Tampok sa cast sina Cherry Pie Picache at Edgar Allan Guz­­man.

Mapapanood ngayong alas-otso ng gabi, this is but a reaffirmation that Maricel is still the premiere dramatic ac­tress to reckon with… to reckon with daw, o!

Show comments