^

PSN Showbiz

Nina sinasadyang galitin ni Nyoy

- Veronica R. Samio -

Ni tingnan, hindi kayang gawin ni Nina ang da­ting karelasyong si Nyoy Volante kahit nagka­ka­sama sila sa isang gig o event. Parang hindi na lamang niya ito nakikita. Ganun marahil siya kagalit sa kanyang ex na hanggang ngayon ay mayroon pa silang problema sa pera na hindi pa nalulutas. Kaya ipinauubaya na lamang ito ni Nina sa korte.

 Lalo marahil magagalit ang magandang singer kapag nalaman niyang ang carrier single ng pina­kabagong album ni Nyoy under MCA Universal ay Someday, isang komposisyon ni Nyoy na gina­wa niya at ini-record ni Nina nung sila pa. Katuwiran ni Nyoy ay maganda ang kanta kaya ini-record niya itong muli.

* * *

 ‘Di tulad ng mga naunang winner ng Pinoy Big Brother na hindi tinirhan ang house & lot na prem­yo nila bilang winner ng PBB dahil malayo sa kani­lang place of work o kaya ay maliit para magkasya silang buong pamilya, si Melissa Cantiveros, winner ng PBB Double Up ay nag­simula nang tu­mi­ra sa napa­nalunang bahay na mata­tagpuan sa Binangonan, Rizal makatapos ang kanyang ka­a­rawan.

Pinakamasayang kaara­wan ni Melai na mai­tuturing ang nakaraan niyang 22nd birthday nung April 6. Bukod kasi sa bahay, meron din siyang premyong cash na magagamit nila sa kanilang pag­sisimula dito sa Maynila. Makakasama niya sa bahay ang kanyang pamilya. Ang bahay ay ipi­naaari niya sa kanyang mga magulang.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang babaeng taga-GenSan dahil bukod sa pagkakaroon ng bahay at pera, nakatagpo pa siya ng boyfriend sa loob ng Bahay ni Kuya, ang 3rd placer na si Jason Fran­cisco. Bagaman at madalas ay parang hindi sila seryoso sa kanilang relasyon, ipinakilala na nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga magulang.

* * *

Noong Nobyembre 2009, itinampok ang ta­lambuhay ng dakilang ina ni presidentiable Man­ny Villar na si Nanay Curing Villar sa Ma­alaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Ginampanan ng young ac­tress na si Empress Schuck ang papel ni Nanay Curing noong kabataan niya, Chin Chin Gutierrez noong middle aged na siya, at Ms. Gina Pareño nang tumanda na. Si Sen. Villar naman ay gi­nam­panan ni Tonton Gutierrez.

Dito ay ipinakita kung paano nagsikap si Nanay Curing, kasama ang batang si Manny na magtinda ng hipon sa palengke. Nakita rin sa MMK kung gaano kahirap ang buhay nina Sen. Villar noon na na­katira lamang sa isang barong-barong sa Tondo. Na­panood din dito ang pagkamatay ng kan­yang na­kababatang kapatid dahil sa kawalan nila ng perang pampagamot dito.

Unfair ang black propaganda na kumu­ku­westiyon sa pagiging laki sa hirap ng senador. Hindi papayagan ng MMK ang maling istorya dahil hindi ito basta-bastang drama anthology, ito ay award winning TV program. Lahat ng talambuhay o is­torya rito ay nire-research nang mabuti at hindi basta-basta na lamang ipinalalabas. Pangit naman kung dahil lang sa pulitika, pati ang kredibilidad ng MMK ay madadamay.

CHIN CHIN GUTIERREZ

DOUBLE UP

EMPRESS SCHUCK

GINA PARE

JASON FRAN

NANAY CURING

NINA

NYOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with