Akala ko ba there is something going on between Maxene Magalona and JC Tiuseco. There was a time na parang sila lang ang tao sa mundo, yun pala wala lang yun?
Graduate na ng college si Maxene sa Ateneo kaya gusto niyang maging aktibo sa kanyang pag-aartista. Pero ano itong narinig ko na ang gusto niya ay bagong kapareha at hindi na si JC? What went wrong? Purely showbiz lang ba ‘yung naging relasyon nila, all intended para sa promo ng ginagawa nilang serye sa TV?
Speaking of JC, bakit parang bigla siyang nag-disappear? Dati he was all over GMA, isang favorite heartthrob at inili-link sa kung kani-kaninong Kapuso girl. Balik na ba siyang muli sa kanyang non-showbiz gf na nakita at nakilala ng lahat when he was in Survivor? Magparamdam ka nga JC.
* * *
Kung hindi dahil sa Tayong Dalawa na kung saan ay nabinyagan si Coco Martin sa mga maaksiyong eksena, baka nahirapan siyang gampanan ang role ni Tonyong Bayawak.
“Ang kaibahan lang, may prosthetics ako sa Tonyong Bayawak at may powers. Nae-enjoy ko naman ang role ko dahil challenging. Di lang ako basta bumibitaw ng linya, kinokontrol ko rin ang galaw ko,” anang magaling na actor.
Muli, pinatutunayan ni Coco ang kanyang kagalingan bilang actor. Kumawala siya sa kanyang comfort zone. At natural naman ang execution niya ng kanyang role. Parang matagal na siyang naga-aksiyon.
Hanga nga ang kanyang director sa Agimat Presents Tonyong Bayawak na si Dondon Santos dahil nagawa niyang maging convincing as an action star.
Hindi naging sagabal ang maamo niyang mukha.
* * *
Wala pa naman palang relasyon sina DennisTrillo at Jennylyn Mercado pero magkasama silang nagbakasyon sa Hongkong at nakunan pa silang magka-holding hands sa kanilang pamamasyal.
Sabi ni Jennylyn, hindi niya masabi kung hanggang saan aabot ang kanilang relasyon, puwedeng mauwi sa totohanan o sa wala. Sa ngayon tinutuklas pa nila kung hanggang saan sila puwedeng umabot.
Sabi ng isang intrigero, gimik daw ito para pag-usapan ang kanilang seryeng Gumapang Ka Sa Lusak. Maganda raw sana pero kulang sa kulay ang kanilang programa. Kaya ba pinipintahan ito nina Dennis at Jennylyn?
Siyanga pala, magbibigay ng kaunting linaw si Jennylyn sa isyu sa kanila ni Dennis ngayong hapon sa Showbiz Central.
May isyu rin tungkol kay Raven Villanueva na may kumakalat na nude photos sa internet.
At si Marian Rivera, magbubunyag ng ilan niyang itinatagong sikreto sa buhay.
Lahat nito ngayong hapon sa SC.