Kalaguyo ng sikat na personalidad, aktres nangongolekta na rin ng mamahaling bag
Itago na lang natin ang aktres na ito sa alias na Ms. Tress.
Tsika ito ng aking source whose tipster ay mismong pinsan ni Ms. Tress. Kahit pala consistently out of touch pa rin ang hitad, marami ang mga kuwentong nagpapatunay ng kanyang illicit affair with a famous personality.
Kinumpirma sa aking source ang pagkakaroon talaga ni Ms. Tress ng boutique sa ibang bansa, na ang ipinagpagawa’t ipinuhunan dito’y katas ng mga nahaharbat niya mula sa kanyang may-sabit na nobyo.
Lately rin daw ay nahihilig si Ms. Tress sa isang brand ng mamahaling bag, the same signature item na ginagastusan ng milyun-milyon ng misis ng kanyang kalaguyo. At nagbanta pa raw si Ms. Tress na tatalbugan niya ang kanyang karibal sa pangongolekta ng mga ito, nang sa gayun daw ay wala na itong mahinging perang pambili mula sa asawa.
In English, the word “tress” means “lock of hair.” Ang haba talaga ng buhok ni Ms. Tress.
* * *
In consultation with her lawyer, confident si Maria Venus Raj na maibabalik muli sa kanya ang titulong Bb. Pilipinas-Universe, ito’y sa kabila ng ini-release na statement ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na pinal na ang naging desisyon nito.
But Venus needs time, ito’y habang malayo pa bago idaos ang Miss Universe (in which country nga ba?) at puwede pang bawiin muli kay Nicollete Henson who was declared second runner-up.
Samantala, nirerespeto naman ni Venus ang opinyon ng kauna-unahang Miss Universe ng bansa na si Gloria Diaz who hinted her approval of the BPCI’s decision to strip her of the title. In fairness though to Gloria, hindi naman sa naturang pageant nagtatapos ang pangarap ng dethroned winner.
* * *
On its seventh week na ang pagbubuntis ni Gladys Reyes with her third child by Christopher Roxas. Take note, iisa lang ang OB-gyne nila ng buntis ding best friend na si Judy Ann Santos. “Kaya tuloy dala-dalawa ang inaalagaan ng doktora namin,” sabi ni Gladys.
Kay Gladys na rin nanggaling na what if she and Judy Ann bear baby girls? And if so, alam na raw ni Juday kung ano ang ipapangalan sa bata : Mara Clara. “Pero ang wish ko lang sana, since ako ‘yung gumanap na Clara sa soap opera namin noon ni Juday, huwag namang magmana ang anak ko sa kamalditahan ko!”
Gladys and Christopher are blessed with two kids Kristof and Aquisha.
* * *
What a fitting birthday special for Ryan Agoncillo ang magaganap ngayong gabi sa Talentadong Pinoy with celebrity contestants in the race.
Hahatulan ng mga talent scouts na sina Joey Reyes, Ruffa Gutierrez, Tuesday Vargas at Maestro Ryan Cayabyab sina Paolo Bediones (piano recital), Valeen Montenegro (Hawaiian dance), Kim Idol (operatic singing), Rosanna Roces (drum exhibition), Jan Nieto (judo), Edgar Allan (lip synch) at Christopher de Leon (ballroom dancing).
- Latest