Galit na galit, aktor binayaran lang ni direk ng P4,500
Galit na galit ang aktor na anak ng sikat na sikat ding aktor sa director niya sa ginawang indie movie dahil hindi nasunod ang napag-usapang talent fee sa pelikula. Hindi namin nakuha kung magkano ang ipinangakong talent fee ng director sa aktor, pero mas malaki sa ibinayad sa kanya, kaya naman laking gulat at galit nito nang matanggap ang tf.
Kasi naman, P4,500 lang ang ibinayad sa aktor sa ilang araw niyang trabaho kaya nang matanggap ang pera, hindi napigilang magalit at mabuti na lang daw at wala sa harap niya ang director dahil baka naumbag nito si direk.
For sure, may paliwanag si direk kung bakit ganun kaliit ang talent fee niya sa aktor gayung may pangalan naman ito. Sabi raw ng aktor, sana sinabi ng director sa umpisa pa lang na hindi kalakihan ang budget sa project para hindi na nagka-isyu.
* * *
Dagdag sa hit show ng TV5 after Talentadong Pinoy ang first ‘talakserye’ at barangay hall on-air na Face to Face hosted by Amy Perez. March 22 pa lang nang magsimulang umere ang show, pero pinag-uusapan na at nakikipag-agawan na sa audience share sa mga katapat na shows ng ABS-CBN at GMA 7.
Natalo na ang pinakamataas registered audience share nitong 21.1 percent ng 23.6 percent noong Wednesday at dahil mas magandang episodes pa ang mapapanood, tiyak na mas tataas pa ang number na ito at baka sumunod na ang pagtaas ng ratings.
Tuwang-tuwa si Amy, ang co-host niyang si Hans Mortel, staff at resident counselors na sina Fr. Gerry Tapiador, Dr. Camille Garcia at Atty. Persida Acosta na tinanggap sila ng viewers. Worth it para kay Amy na mas pinili niya ang Face to Face sa TV show niya sa ABS-CBN at radio show sa DZMM at inamin na rin nitong pinag-resign siya, pero wala siyang sama ng loob sa management ng network dahil ibinigay ang trabaho niya kay Francine Prieto.
Napapanood ang Face to Face, Monday to Friday, 11:00 a.m. From 30 minutes, 45 minutes na ito at malaki ang posibilidad na maging one hour show sa mga darating na araw. Balak din ng TV5 na maglabas ng unedited version ng Face to Face na mas matapang at mas controversial.
* * *
Ang magpinsang Georgina Wilson at Isabelle Daza ang in-charge sa pamimingwit ng youth votes para kay Gilbert Remulla na kandidatong senador sa Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar thru the Youth for Remulla at Kabataang Swak na Swak kay Remulla movements.
Sa galing magsalita at magaganda pa, siguradong maraming mahihikayat ang magpinsan na iboto ang husband ng kanilang pinsang si Georgia Roa-Remulla.
Samantala, noon pa sinasabi ni Isabelle na masaya na siya as commercial model at walang balak mag-showbiz. Marami ring offers si Georgina na mag-showbiz at pinag-iisipan pa niya ng husto and if ever mag-showbiz, ang manager niyang si Wyngard Tracy ang tatanggap at sasala ng mga offer sa dalaga. As of now, happy siyang nagho-host muna at endorser.
* * *
Masaya ang mga bagets na sina Barbie Forteza, Jake Vargas at Joshua Dionisio dahil may kasunod na silang show kapag natapos ang First Time. Sila rin ang mga bida sa Pilyang Kerubin na obviously, si Barbie ang title-roler.
Parang ginamit na ang title na Pilyang Kerubin, hindi lang namin matandaan, but for sure, ibabagay ang istorya sa panahon ngayon.
Natawa pala kami sa nabanggit nina Barbie at Joshua na napi-pressure sila sa request ng kanilang fans na totohanin nila ang kanilang relasyon para mas matuwa sila.
Guys, 12 years old lang si Barbie at 15 years old si Joshua, ‘wag ninyo silang i-pressure para hindi ma-stress at mga bata pa ang dalawa. Give them space and time at mas maganda kung magkaka-developan sila na walang pumipilit sa kanila.
- Latest