Let’s hope na makatulong si KC Concepcion sa mas ikapagtatagumpay pa ng The Buzz na akala ko noong una ay si Vice Ganda na ang makaka-trio nina Boy Abunda at Kris Aquino pero hindi pala kundi ang anak ni Mega (Sharon Cuneta). With her bubbly personality at sa kanyang kahusayan sa anumang trabaho na hawakan niya, yes, I know magiging asset ang aking inaanak sa bago niyang programa.
* * *
Nakakasunod ba ang mga tagahanga sa paglilipat ng bahay ng kanilang mga idolo? Baka kako hindi, eh mawawalan ng mga supporters ang kanilang mga idolo.
Tulad nina Rainier Castillo at JC de Vera, sana masamahan sila ng mga fans nila sa TV5. Ngayon nila higit na kailangan ang suporta dahil parang nagsisimula silang muli.
Si John Prats, nasa TV5 na rin.
Mabuti naman, kailangan na talaga siyang mag-move on, hindi lamang sa kanyang lovelife kundi maging sa kanyang career.
* * *
Muntik palang magwala ang ina ng isang miyembro ng XCELR8 dahil gusto ng management company ng grupo na tatlo lamang ang palutangin sa maraming miyembro at hindi lahat. Nagbanta ang ina na i-pull out na lamang ang kanyang anak at magtitiyaga na lamang silang mag-isang kumayod ng kanyang bagets na anak.
Tutal daw, nakapagsimula na itong mag-solo bago nagkagrupo, eh ituluy-tuloy na lamang nila. Nahimasmasan yata ang bida kaya kung makakaya, tulungan na lang nilang mapasikat lahat ng miyembro. (Sino ang mga nasa grupo? – SVA)
* * *
Talaga palang gusto ni BB Gandanghari ang maging isang tunay na girl? Kung ang kapatid niyang si Robin Padilla ay against dito noong una, ngayo’y all out na ang support niya para sa kapatid.
’Di ko lang alam kung tutulungan niya si BB sa ninanais nitong operasyon pero alam ko payag siyang iprodyus ito ng pelikula.
Iba talaga kapag magkakapatid at iisang dugo lamang ang dumadaloy sa ugat, walang hindi gagawin sa ikasisiya ng isa’t isa. Mabuhay ka, Robin!