^

PSN Showbiz

Pagkuha ng video at photo habang nagsi-sex may parusa na

-

MANILA, Philippines - Halos dalawang taon din palang binuno ni Cong. Irwin Tieng ng Buhay party list upang maisabatas ang kanyang Anti-Cyberboso Bill. Ngayon, sobrang saya ng batang kongresista dahil ang nasabing akda ay naisabatas na nang aprubahan ni Presidente Gloria Ma­ca­pagal-Arroyo noong Feb. 15 ang Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, bagong pangalan ng Anti-Cyberboso Bill.

 Ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, na inihain sa kongreso noong Hunyo 2008, ay nagbibigay proteksiyon sa dignidad ng mga Pilipino.

“Masayang-masaya ako na naging parte ako ng isang gawaing nagbibigay ng mas malawig na proteksiyon sa aking mga kababayan,” sabi ni Rep. Irwin. “Bilang mambabatas, hindi ako titigil sa pagbibigay ng proteksiyon at tulong sa aking nasasakupan.”

Ipinagbabawal ng batas na ito ang pagkuha ng litrato o video ng gawaing sexual at/o mga ma­se­selang bahagi ng katawan pati na ang pag­papakalat nito via publication at broadcasting.

Ayon dito, pagkakakulong ng hindi kukulang sa tatlong taon, pero hindi lalagpas ng pitong taon at danyos na hindi kukulangin ng P100,000 pero hindi lalagpas sa P500,000 ang naghihintay sa mapapatunayang may sala.

“Nawa’y maging isa itong malaking babala sa mga may balak mambaboy sa ibang tao na ’wag nang ituloy ang kanilang masamang balak,” sabi pa ng congressman. “Patuloy kami sa gobyerno na magiging mapagmatyag sa mga taong mananamantala sa kahinaan ng iba.”

ANG ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

ANTI-CYBERBOSO BILL

ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

AYON

BILANG

BUHAY

FEB

GLORIA MA

IRWIN TIENG

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with