Mga reyna ng Kapuso nasapawan ni Claudine

Nasa ikatlong pagbubuntis na niya si Gladys Reyes. Kailan lamang niya nalaman ito. At sa halip na malungkot dahil mapipilitan na naman siyang tumi­gil pansamantala sa kanyang tra­baho, masaya niya itong tinanggap dahil isa pang anak ang magda­rag­dag ng saya sa buhay nila ng asawang si Christopher Roxas.

Ikinatuwa rin nito na magkasabay silang magkaka-baby ng kanyang best friend na si Judy Ann Santos na agad niyang tinawagan para ibalita ang kanyang pagbubuntis. Naisip niya na kung parehong magiging babae ang kanilang mga ipinagbubuntis ay maaari nila itong tawaging Mara at Clara, ang mga character na ginampanan nila’t pinasikat sa TV.

Oo nga ano? At kung maging babae’t lalaki ang mga anak nila, puwede pa silang maging magba­lae balang araw.

* * *

Bakit walang tumututol na tawaging reyna ng drama sa GMA ang bagong lipat na si Clau­dine Barretto? Eh, bago naman dumating sa Siete si Claudine ay matagal nang nagda-drama sina Marian Rivera, Iza Calzado, Heart Evangelista, Isabel Oli, Glaiza de Castro, Re­gine Velasquez, Sunshine Dizon, at marami pa. Ibig sabihin ba ay tinatanggap nila na mas naka­lalamang sa kanila at mas nakakaangat ang ex-Kapamilya actress o kaya mas senior ito sa kanila?

Claudine should be happy by the fact na walang tumututol sa kanyang korona. Parang happy na ang mga dinatnan niya to be drama prin­cesses at maghihintay na lamang sila na mamana ang korona nito.

Hintayin na lamang natin ang pagsisimula ng Claudine ngayong Sabado ng gabi para muling makita ang husay nito sa pag-arte at para patunayan na sa kanya nga ang korona bilang drama queen.

* * *

Sana maayos ng GMA 7 at ng manager ng Sex­bomb ang kanilang aberya para naman ma-retain ng grupo ang kanilang timeslot na kung saan maraming taon nang napapanood ang Daisy Siete. Balita kasing ibinigay ng network ang oras na ito sa Viva gayung ma­ta­gal nang “kanila” ang oras na ito. Malalaman natin kay Joy Cancio ang tungkol dito.

Samantala, malaking boost sa popularity ng Sexbomb ang pagkakakuha sa kanila para kan­tahin ang jingle para sa automated election. Mala­king tulong sila para madaling main­tin­dihan ng mga boboto ang dapat nilang gawin pag­dating ng eleksiyon.

* * *

Narito pala sa ‘Pinas si Elizabeth Ramsey. Kundi ko pa siya napanood sa TV, ‘di ko malalaman na andito pala siya. Maggi-guest ito sa Diva na ngayon ang guest ay ang grupo nina Mitch Valdez, Rada, Eva Castillo, at Pinky Amador na gumaganap na mga madre na hindi marunong kumanta kaya tuturuan sila ni Sam (Regine Velasquez). Parang napanood ko na ‘to ah. 

Show comments