MANILA, Philippines - Isang special fans day ang inihanda ng Cinema One para sa mga avid supporters ng isa sa hottest loveteams ngayon na sina Enchong Dee at Erich Gonzalez. Ginanap ito kahapon sa SM North EDSA Annex, Entertainment Plaza.
Ang fans day ay para sa pagpapalabas ng Cinema One Originals movie na Paano Ko Sasabihin? na pinagbibidahan ng EnRich loveteam. Ipalalabas ito mula April 16 to 22 sa selected SM cinemas nationwide kabilang ang SM Manila, Sta. Mesa, Megamall, Fairview, North EDSA, Southmall, Bacoor, Clark, Cebu at Davao.
Isang light romantic comedy ang Paano Ko Sasabihin? na tungkol sa dalawang taong may kakaibang kuwento ng pag-ibig. Deaf-mute lovers ang role na ginagampanan nina Enchong at Erich sa pelikula.
Umani ng papuri ang nasabing pelikula sa mga manonood at maging sa mga film critics. Bukod sa kanilang mga successful ABS-CBN soaps na Katorse at Tanging Yaman, hindi binigo ng hit loveteam ang film viewers ng Paano Ko Sasabihin?” sa husay ng kanilang pagganap. In fact, sa ganda ng pelikula, nominated si Enchong bilang New Movie Actor of the Year sa 26th PMPC Star Awards for Movies 2010.
Eh bakit sa dinami-dami ng artista ng ABS-CBN, sila ang napili para sa nasabing pelikula?
Dapat daw panoorin ang pelikula dahil bagay sila dito.
Isa ito sa mga big winners ng pinakahuling Cinema One Originals Digital Movie Festival. Nakuha nito ang mga awards para sa mga kategoryang Best Editing, Special Mention Award at Audience Choice Award for Best Digital Movie.
Written and directed by Richard Legaspi ang Paano Ko Sasabihin?
Si Legaspi ay graduate ng Asian Film Academy sa Pusan, South Korea. Ipinalabas ang kanyang mga pelikula sa Pusan, Dubai, Pyongyang, Berlin, Vienna, Budapest, at iba pang kilalang film festivals. Ang short film niyang Ambulancia ay nagwagi sa Festival Internazionale del Cortometraggio San Gio sa Verona, Italy.
Si Legaspi rin ang unang Filipino filmmaker na naimbitahan sa 32nd Film Festival Weiterstadt sa Germany at kauna-unahang Asian filmmaker na nominado sa Grand OFF European Film Awards sa Warsaw, Poland. (KS)
Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng taunang Cinema One Originals project.