^

PSN Showbiz

'kaSAYSAYan' isusulat

-

MANILA, Philippines - Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay kasalukuyang tumatanggap pa rin ng mga lalahok para sa kaSAYSAYan, isang national scriptwriting competition para sa taong 2010. Kailangan lang magmadali dahil ang deadline ay on or before May 20 na. Ang mga magwawagi ay ipakikilala sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, mismo.

Ang kaSAYSAYan ay tumutukoy sa historical non-fiction theme, pero kailangang maipakita ang kakaibang storytelling na siyang mahigpit na batayan sa patimpalak.

“The stories should be unique, not common, not popularly known,” hamon ni FDCP chairman Rolando Atienza. “Basta ang rule, historical accuracy.”

“Maaaring unsung heroes sila sa mga maliliit lamang ng pangyayari pero tumatak sa kasaysayan ng ating bansa,” sabi naman ni Christine Dayrit, ang Cinema Evaluation Board (CEB) chairman and project leader para sa scriptwriting contest. Ang CEB ay nasa ilalim ng FDCP.

Ngunit kung ang kalahok ay pipiliing isulat ang tanyag na bayani, tulad nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio, kailangang mailabas nila ang bago sa mga ito na hindi pa naililimbag sa mga libro o kahit anong babasahin.

Kwalipikado ang mga purong Filipino o may lahing Filipino na mga writers, historians, film enthusiasts, overseas Filipino workers, o Filipino expats, narito man sila sa bansa o wala.

Ang first prize ay makakatanggap ng P350,000; ang second ay P250,000; at ang third ay P150,000.

Isa lamang ang maaaring isali ng aplikante pero pitong kopya, bawat kopya ay dapat samahan ng buod (synopsis). Para sa karagdagang impormasyon, tumawag kay Cely Tomas sa 634-6984 o kay Abi Portillo sa 638-2739.

vuukle comment

ABI PORTILLO

ANDRES BONIFACIO

ARAW

CELY TOMAS

CHRISTINE DAYRIT

CINEMA EVALUATION BOARD

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

JOSE RIZAL

ROLANDO ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with