Magkaka-datung na, Francine nagpagamit sa pulitiko

Pinahanap sa akin ng isang kandidato si Francine Prieto para matulungan ito dahil naba­litaan niya na problematic ang sexy star.

Maayos ang naging negosasyon ng dalawa dahil pumayag si Francine na ipangampanya ang kan­didato na may malinis na track record.

At least, mababawasan na ang problema ni Francine sa datung dahil nagkaroon siya ng additional income. Higit sa lahat, walang hanky panky ang deal. Talagang ipangangampanya niya lang ang kandidato na winnable naman.

Malungkot pa rin si Francine nang magkita kami dahil dinaramdam niya ang pagkawala ng kanyang ina na inilibing sa Holy Cross Memorial Park sa Nova­liches. Pamilyar na pamilyar sa akin ang Holy Cross dahil dito rin nakalibing ang aking mga ma­gulang at kapatid.        

* * *

Naaliw ako sa mga ipinamigay ni Claudine Bar­retto sa presscon ng kanyang drama anthology.

Nag-give si Claudine ng mga bag, Belo products, sinigang mix, shampoo at personalized na Claudine wrist watches.

Parang Pasko ang ambience sa grand press­con ng Claudine dahil sa give-aways ni Claudine.

Claudine ang pamagat ng title ng drama anthology na mapapanood sa Sabado. Kung ma­pa­padaan kayo sa kanto ng Edsa at East Avenue sa Quezon City, makikita ninyo ang giant billboard ni Claudine.

Parang billboard ng isang big budgeted movie ang billboard ni Claudine. Talagang na-feel niya na importante siya sa Kapuso network.

* * *

Hindi isinara ni Claudine ang pinto para sa kan­yang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fer­nandez.

Nagkaroon man sila ng tam­pu­han, bukas ang isip ni Claudine na mag­kapuso na sila ng aking ina­anak kaya darating ang araw na mag­­kukrus ang kanilang mga landas. Napakaliit ng mundo ng local showbiz. Hindi puwede na forever na mag-iiwasan sina Mark at Claudine.

Pupusta ako na bago ma­tapos ang drama an­thology ni Claudine, malaki ang po­si­bi­lidad na mag-guest si Mark sa kanyang show.

* * *

Si Raymart Santiago ang special guest ni Clau­dine sa unang episode ng Claudine at si Lau­rice Guillen ang direktor.

Bihira nang magdrama si Raymart dahil mga sitcom ang mga nakaraang project niya sa GMA7.

Mabibigat ang mga eksena ni Raymart sa Claudine. Pinahanga niya sina Mama Laurice at Clau­dine. Hindi makapaniwala ang dalawa na may itinatagong talent sa heavy drama si Raymart na naging action star muna noon bago naging comedian.

Proud na proud si Claudine sa kanyang mister. Amazing daw ang performance ni Raymart sa Claudine.

* * *

Magkikita kami ngayon ni Papa Gilbert Remulla at hindi lamang ang kanyang misis ang kasama niya dahil join din sa meeting ang Diaz clan.

Kapag sinabing Diaz clan, angkan ito nina Gloria Diaz, Georgina Wilson, Robin da Roza, Illac Diaz, Isabel Daza, at marami pang iba.

Malapit na kamag-anak nina Gloria ang asawa ni Papa Gilbert na kumakandidatong senador. Kapartido si Papa Gilbert ni Senator Manny Villar. Suportado ng Diaz family ang pagtakbo ni Papa Gilbert kaya join sila sa aming meeting! 

Show comments