MANILA, Philippines – Hindi pa tapos ang selebrasyon ng anniversary ng Pilipino Star NGAYON. Extended ito hanggang next month. Last March nag-24 years old ang aming diyaryo.
Sa May 15, may fun run event – PSN Fun Run for a Cause, Bigay-Todo na gaganapin sa SM Mall of Asia Grounds, 5:00 a.m.
Ang categories :
3k and 5k - may registration na P350 at sa 10k ay P400 (inclusive of singlet, race bib, timing chip, route map).
Prizes:
3k and 5k
1st - P 5,000 plus gift packs
2nd - P 3,000 plus gift packs
3rd to 5th place finisher - gift packs
10k
1st - P 7,000 plus gift packs
2nd - P 5,000 plus gift packs
3rd to 5th place finisher - gift packs
Gun Start:
5:45 am 10k
5:55 am 5k
6:00 am 3k
Para sa online registration, magsisimula ito today, April 6. Mag-log on lang sa www.runningmate.ph
Ang kikitain ng event ay gagamitin sa Adopt-A-school program ng Operation Damayan, ang umbrella social group ng Star Group of Publications (ang school beneficiary ay ang San Isidro Elementary School in Naguillan, La Union).
Dalawang classrooms at library para sa aabot na 150 na estudyante ang inaasahang makikinabang sa kikitain.
Isa ang nasabing eskuwelahan sa naperwisyo ng bagyong Ondoy.
For questions and inquiries, please look for Mylene Amahit (527-6852) or Nikki Cordero (521-3995).
Join na kayo. Nabawasan na ang taba ninyo, nakatulong pa sa kapwa.
* * *
Hindi pala naniniwala si vice presidentiable Edu Manzano sa survey.
“Kahit saan ako magpunta, ang mga nakikilala, whenever I go on my campaign sorties sinasabi nila they will vote for me,” kuwento niya sa isang kaibigan.
Dinagdag din daw ni Edu na hindi naman lahat ay naaabot ng survey. “Nothing is definite until election day itself and history shows trends change from time to time,” say daw ng TV host.
Nawalan daw ito ng tiwala sa survey nang tumakbo itong vice mayor ng Makati.
“He wasn’t included in the surveys but he still won,” say ng katsika ko.
“He gives more examples : In 1992, FVR’s (former president Fidel V. Ramos) approval rating was four percent. Eventually he won. Back in 2004, FPJ’s (Fernando Poe Jr.) rating was at 44 percent, while PGMA’s (President Gloria Macapagal-Arroyo) was 8 percent.”
Kaya confident daw ito na kahit na mababa siya sa survey, may pagkakataon pa siyang umangat.
* * *
Allergy o lipo? Ito ang pinagde-debatehan ngayon sa Twitter tungkol sa pamamaga ng mukha ni Claudine Barretto nang umapir siya sa Showbiz Central last Sunday.
Maraming viewers ang nahirapan kay Claudine dahil halos matakpan na ang mukha niya ng buhok niya.
Kagabi ang presscon ni Claudine para sa grand launch ng kanyang teleseryeng Claudine sa GMA 7.
* * *
Bagay pagsamahin sa pelikula ang Kanto Boys na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Vhong Navarro and John Lloyd Cruz, at Sarah Geronimo.
Kahit replay ang episode nila last Sunday sa ASAP, maraming naaliw sa ‘asaran’ ng grupo at ni Sarah.
Bakit kaya hindi na lang si Sarah ang isama sa movie ng Kanto Boys? Siguradong papatok yun.
Anyway, si Sarah ang itinuturing ngayong reyna ng commercial. Twenty seven na raw ang ini-endorso nito.
Ganun, ibig sabihin tinalbugan niya si Mega star Sharon Cuneta?