Controversial sa internet ang comment ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account na : “Watching Glam Girls on Party Pilipinas - Heart, Rhian, Lovi, Bianca, Carla. Like! Pero parang may isang miscast. Guess who?”
Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa kung sino ang tinutukoy ni Ruffa na ‘di dapat kasama sa grupo at kanya-kanya rin silang bigay ng rason. May hula na rin kami kung sino ang ‘di bagay sa grupo, pero ayaw naming isulat ang name niya’t baka giyerahin kami ng fans ng Glam Girls member na ito. Hindi kaya dumating ang time na out na sa grupo ang girlash na ito at ilipat sa ibang group dahil sa comment ni Ruffa?
Samantala, pati sa Twitter, nagpo-promote ng Working Girls 2010 si Ruffa dahil showing na ito sa April 21 at sa Apr. 18 ang premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall.
* * *
Sa mga bagong show ng GMA 7, si Carla Abellana ang may two shows dahil sila ni Dennis Trillo ang mga bida sa first episode ng Love Bug na ipapalit sa Dear Friend. Second week ng April na ang taping ng dalawa sa isang cruise ship with Mark Reyes directing.
Unang nagkasama sina Dennis at Carla as hosts ng StarStruck V, kaya hindi na sila dadaan sa adjustment period ek-ek at aktingan na agad ito.
Si Carla rin ang bidang babae sa TV remake ng Basahang Ginto na papalit sa Ina Kasusuklaman Ba Kita? Reunion ito nina Carla at Geoff Eigenmann to be directed by Joel Lamangan. Mapapasubo sa drama ang dalawa, kaya maghanda na sila.
Remake ng 1951 movie nina Alicia Vergel at Pancho Magalona ang Basahang Ginto at sinulat ni Mars Ravelo at tiyak, ia-update ang story nito para bumagay sa panahon ngayon.
* * *
Tuluy-tuloy na ang series of workshops at trainings ng Final 14 ng StarStruck V para mas lumabas ang kanilang potentials. Facilitated ng most respected and responsible coaches and mentors ang workshops na malaki ang maitutulong sa mga bata.
Sa acting, sina direk Gina Alajar, Vangie Labalan at direk Uro dela Cruz will provide lessons on monologues, voice acting, projecting, script, & character analysis, acting for comedy and internalization.
For hosting, si direk Freddie Santos ang magtuturo sa kasama ng voice projection and control and camera projection. They will take voice lesson under Atek Jacinto na magtuturo ng singing fundamentals, performance skills, stage presence, musicality, and voice technique.
Ang dance workshop will be handled by Miggy Tanchangco and Sandy Hontiveros at sa assessment program, they will be judged by direk Joel Lamangan for acting, Douglas Nierras for dancing and Atek Jacinto for singing.