Mukha ni Claudine, bloated!

SEEN : Bloated ang mukha kahapon ni Claudine Barretto sa guesting niya sa Showbiz Central.

May allergy daw ang aktres kaya maga ang mukha.

SCENE : Ang problema ni Rosanna Roces sa kanyang mga properties.

Nanganganib na mawala kay Rosanna ang mga ari-arian na kanyang naipundar noong kasi­katan niya.

SEEN : Pinagkaguluhan ng mga California fans sa meet-and-greet event ang cast ng Heart­throbs and Friends.

Tagumpay ang concert nina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Gerald An­der­son, Kim Chiu, Bea Alonzo, at Pokwang sa Heritage Forum, Anaheim noong Sabado.

SCENE : Fe’s Book ang show title ng singer/co­me­dienne na si Fe delos Reyes sa Holly­wood, California sa May 1, 2010.

SEEN : Ang bonding sa Las Vegas ng mag-aamang Michael de Mesa, Geoff at AJ Eigenmann.

SCENE : Kasali sa cast ng Working Girls 2010 sina Gina Pareño at Carmi Martin, ang original Working Girls stars.

SEEN : Ang premiere showing ng Nobody Nobody But Juan sa Honolulu, Hawaii sa April 18.

Dadalo si Dolphy, ang bida ng pelikula.

SCENE : Muling magbubukas ang PBB House sa April 10 para sa teen edition ng Pinoy Big Brother.

SEEN : “Nilamon” ni Noel Cabangon sina Jericho Rosales at Richard Poon sa song number nila kahapon sa replay ng ASAP.

Si Noel ang nag-revive sa old song na Kahit Maputi na ang Buhok Ko. Mas maganda ang version ni Noel kesa original.

Show comments