Nakakaaliw din ang Star Patroller ng TV Patrol na si Gretchen Fullido. Kahit under water, todo-pose habang kinukunan ng picture kasama ang maraming klase ng isda. Yup, nag-try kaming mag-reef walking sa Boracay kasama si Gretchen recently lang kasabay ng coverage sa Kimmy Dora sa Bora, MYX Live in Bora, ASAP, at trade launching ng mga bagong shows ng ABS-CBN.
Sa Australia popular ang reef walking. Enjoy si Gretchen sa pagpapa-picture na naka-two-piece swimsuit. (FYI: Bagets pa lang pala si Gretchen, member na siya ng Philippine national swimming team).
Anyway, bongga ang reef walking na isa sa mga interesting gawin kung nasa Bora ka.
Talagang makikita mo ang mga coral reefs at maraming-maraming isda, kasama na si Nemo (clown fish).
May oxygen naman at safe dahil may kasama kang bababa.
Ang N.I.S Reefwalk and Seasports ang nag-accommodate sa amin – Ms. Gretchen, Ms. Kathy Solis (ABS-CBN), Mrs. Crispina Belen (Manila Bulletin), Marinel Cruz (Inquirer), Bot Glorioso (Philippine Star), Janice Navida (Bulgar), cameramen ni Gretchen, and me.
Ang maganda sa reef walking, kahit hindi ka marunong mag-swim or mag-dive, use ka lang ng helmet na kasama ang oxygen, makikita mo na ang mga reefs at maglalapitan sa ’yo ang mga isda na parang nagpapa-impress.
Kahit bata, puwede rito. In fact, may nakasabay kaming bagets na nakipagsabayan sa kanyang mommy at daddy.
Anyway, kung type ninyong mag-try ng reef walking sa Bora, call Mr. and Mrs. Santos (walang first name na ibinigay) at 036-2881546, 0922-8720461, 0939-1374688, and 0922-872-0460 or e-mail reefwalkercoralviewers@ yahoo.com.
* * *
Pagpikit at pagmulat ng mata, si Arnold Clavio ang napapanood natin sa GMA 7. Bago matulog, nasa Saksi siya at paggising, nasa Unang Hirit naman siya.
Natutulog pa kaya ang isang Arnold Clavio?
At ngayon, meron na naman siyang bagong programa, Tonight with Arnold Clavio, ang pinakabagong programa ng GMA News and Public Affairs na mapapanood sa weekday primetime ng Q Channel 11.
Sa unang serye ng palabas, isa-isang sasalang ang mga tumatakbo sa pagka-pangulo kasama ang kanilang mga kabiyak o anak. Sa kauna-unahang pagkakataon, magkasama nilang haharapin ang madla.
Kilalanin ang kandidato sa mata ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa programang ito maririnig ang mga eksklusibong kuwento tungkol sa pagkatao ng kandidato, ang pagsasama at relasyon ng mga taong pinakamalapit sa kanya.
Mapapanood ang Tonight with Arnold Clavio tuwing Lunes, Martes, at Biyernes, 8:15-9:00 ng gabi simula ngayong gabi.
Ngayon, uuwi pa kaya ng bahay si Arnold?