Ayaw pa sa father role pero... Aktor nabuntis ang dyowang non-showbiz

Soon-to-be daddy daw ang aktor na galing sa reality search ng isang major network dahil buntis ang non-showbiz GF nito. Hindi namin alam kung knows na ng mga taong nasa likod ng career ng aktor na malapit na itong maging ama.

Pero ’katuwa ang reaction ng former manager ng aktor nang tanungin tungkol dito. Nauna raw siyang nagbuntis, noong siya pa ang may hawak sa alaga, hindi lang niya isinilang ang ipinagbubuntis dahil wala siyang matris. Hahaha!

Sakaling totoong buntis ang girlfriend ng aktor, palagay namin, hindi nito tataliku­ran ang respon­sibili­dad dahil mapagmahal na ama ang lalaki. Naalaala lang naming ayaw pa niya sa father role, eh paano ’yan at magiging ama na siya in real life?  

* * *

Follow-up ito sa nasulat namin sa pag-alis ni Ra­chelle Ann Go sa ASAP ng ABS-CBN para lumi­pat sa Party Pilipinas ng GMA 7. Nabanggit naming tila si Rachelle Ann na lang ang hindi nakakaalam na lilipat na siya dahil wala pang sinasabi ang Viva Artist Agen­cy sa kanya.

But last Saturday, sa Facebook account ng Party Pili­pinas, kinumpirma na kasali na siya sa show. Sabi pa nang nag-post, “last performance na niya sa ASAP XV on April 4, she will be joining Party Pilipinas on April 11.”

Replay ang ASAP kahapon, kaya ang last per­formance ni Rachelle sa show ay last March 28. Inci­dentally, April 4 din nag-expire ang kontrata ni Rachelle sa ASAP at trade launch ng GMA 7 ang April 11 at iti-tape ang Party Pilipinas sa SMX Convention Center.

Kapag natuloy ang singer sa Channel 7, magkikita sila ni Arci Muñoz, ex ni Kean Cipriano ng Callalily na sabi’y brineyk ng binata dahil kay Rachelle Ann, pero si Kean sa TV 5 may show.

* * *

Nanalo sa 69th Peabody Awards ang docu­men­tary ni Kara David sa I-Witness na Ambulansyang de Paa. Sa website ng Peabody Awards, nakasulat ang “The award is determined by one criterion — excellence.”

Sabi pa ng Peabody Awards sa Ambulansyang de Paa, “Condemning deplorable conditions while celebrating neighborly valor and ingenuity, the report shows how people in a poor village carry their sick and injured over dangerous terrain to distant medical care using ambulances on foot.”      

 Gaganapin ang annual awards ceremony ng 69th Peabody Awards sa May 17 sa Waldorf Astoria, New York City hosted by Dianne Sawyer.

* * *

Sa April 10 naman ang tentative schedule na lipad for New York ni Kiko Rustia, isa ring Kapuso, para sa pictorial ng Benetton campaign this year dahil isa siya sa pumasok sa Top 20. Tsika ni Kiko sa Twitter, pinadalhan sila ng Benetton ng videocam to video their daily activities. Sa sobrang busy ni Kiko, hindi madi-dead air ang kanyang videocam.

Na-assure rin ng TV host at dating Survivor castaway ang mga nagtatanong na hindi niya iiwan ang Born to be Wild nila ni Dr. Ferds Recio. “The Benetton thing is just a quick shot. I’ll be back again,” say ni Kiko.

* * *

Back from Amanpulo sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at natawa kami sa tweet ni Ogie na sa fishing nila ni Asia’s Songbird, nakahuli ito ng isa at siya’y bokya. Balik-taping na rin sila ng Diva dahil pasulput-sulpot si Ogie sa kantaserye.

Samantala, ngayong Monday sa Diva, makikita ni Sam (Regine) na mas pumangit ang hitsura niya dahil sa marka ng kalaykay sa mukha at kahit mga madre, pinag-usapan ang kapangitan niya. Awang-awa si Sam sa sarili nang makita ang mukha sa sala­min, pero mare-realize na masuwerte pa rin siya kesa sa bulag na si Stevie (Nikki Bagaporo), ang batang nakapulot sa kanya.

Nagdadalamhati si Barang (Jaya) sa inakalang pagkamatay ni Sam, wala itong ganang mag-stand-up comedian.

Show comments