^

PSN Showbiz

Claudine naalarma nanakit ang dibdib

-

MANILA, Philippines - Sumakit pala ang dibdib ni Claudine Barretto kamakalawa ng umaga kaya kinailangan niyang dumaan sa Emergency ng Medical City Hospital bago siya dumiretso sa shooting ng pelikula nilang In Your Eyes sa Subic with Anne Curtis and Richard Gutierrez.

Tweet ni Claudine the other day : Hi tweethearts:) in Subic na we hav shootng 4 in your eyes tonight. went to E.R in MEDICAL CITY dis am.had chestpains it wasnt a Heartburn.may vein na inflammed n bp was 90over60. naalarm lng kami coz mre dan an hour ang pain d nawawala,bt tolerable naman Uncomfortable lng yung feeling so cholo n lay told raymart n we went to make pa check up .will knw d results pa latr. i 4got wat Part was inflammed. slept all d way to subic.”

* * *

May bagong obra maestra pala ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza. At sa pagkakataong ito, hindi lang siya makapagdadala ng karangalan sa bansa kundi makakatulong pa sa pagbabalik ng buhay sa isang kayamanan ng Pilipinas – ang Pasig River.

Si Mendoza ang nag-direhe ng ilang infomercial ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig tampok ang mga sikat na personalidad sa media tulad ni Karen Davila, Kim Atienza, Zaijian “Santino” Jaranilla, Coco Martin at maging siya mismo.

Layunin ng mga infomercial, na kinunan sa isang mahirap na komunidad sa tabi ng Estero De Paco sa Maynila, ang hikayatin ang mga Pilipino na mahalin at pangalagaan ang kalikasan. Parte ito ng kampanyang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KBPIP) ng ABS-CBN Foundation Inc. at Department of Environment and National Resources (DENR) sa pamamagitan ng Pasig River Rehabilitation Commission.

Ani Mendoza, importanteng malaman ng bawat Pilipino ang kalagayan ng ilog : “Naniniwala ako kahit ano pang gawin mo diyang paglilinis kung hindi mababago yung pagtingin ng mga tao sa kalikasan, hindi magiging successful yung project,” giit ni Mendoza.

Dagdag pa ng 2009 Cannes Film Festival Best Director, paraan din ito upang ipakita na may nagawa na ang KBPIP na nagpapatunay lang na may pag-asa pang malinis ang Ilog Pasig.

Matagal nang napagkasunduan ni Mendoza at ni AFI managing director Gina Lopez ang pagtutulungan para sa Pasig River. At wala na ngang nakapigil dito pagkatapos magbigay ng grant na $50,000.00 ang Asian Development Bank para sa information drive ng KBPIP at Manila Water para sa proyektong Pasig Sewerage Catchment.

Bukod sa infomercial, gagawa rin ng magazine at storybook tungkol sa tamang pangangalaga sa kapaligiran ang KBPIP gamit ang grant.

Hindi rin daw ito ang huling beses na gugugol ng oras, lakas at talento si Mendoza para sa KBPIP. “Hangga’t kaya ko, I will be a part of it,” sambit niya.

Inilunsad ang KBPIP noong Pebrero 2009 alinsunod sa memorandum of agreement sa pagitan ng AFI, DENR, at PRRC noong 2008. Kasalukuyang ginagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng Estero de Paco, na dumadaloy sa Pasig River, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan mula sa Manila, Makati, Pasig, Quezon City, Marikina, San Juan, and Mandaluyong, ang Metropolitan Manila Development Authority at Armed Forces of the Philippines, at mga pribadong kumpanya tulad ng Manila Water.

Mahigit 1,000 pamilya rin sa tabi ng ilog ang nailipat na sa BayaNiJuan sa Calauan sa Laguna, isang resettlement site na itinatag sa tulong ng pamahalaan ng Calauan, National Housing Authority at TESDA.

Abangan ang mga ginawang infomercial ni Mendoza sa ABS-CBN.

* * *

Kahit Mahal na Araw, tuloy ang trabaho nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa pelikula nilang You To Me Are Everything. Pero isinabay na rin nila ang bakasyon sa Baguio kung saan sila nagso-shooting ng kanilang pelikula. Nakita silang dalawa sa Burnham Suites Baguio City.

Anyway, Dingdong is a city boy who comes from an affluent family sa nasabing pelikula. His father’s conviction, however, resulted in his loss of assets, status, and even his home.

Marian naman plays a provincial girl who suddenly found herself with more money than she could imagine. She inherits the bulk of her wealthy father’s assets, including the foreclosed mansion of Dingdong’s family.

 Can two people from different worlds make it work?

ANI MENDOZA

ANNE CURTIS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIAN DEVELOPMENT BANK

ILOG PASIG

KAPIT BISIG PARA

MANILA WATER

MENDOZA

PASIG

PASIG RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with