^

PSN Showbiz

Libreng motorist assistance mula sa Balik-Bayan ngayong Mahal na Araw

-

MANILA, Philippines - Nagbabalik muli ngayong taon ang Balik-Bayan Bantay-Biyahe 2010, ang two-day motorist assistance event ng Balik-Bayan, palabas tuwing Biyernes, 10:15 p.m. sa Q Channel 11.

Ang taunang serbisyong ito ay nagbukas muli kahapon, Miyerkules, sa Caltex Mamplasan Station ng South Luzon Expressway. Ang Day 2 ng Balik-Bayan Bantay-Biyahe 2010 ay sa April 4, Easter Sunday, sa Caltex Coco Mega Station (NLEX - Manila Bound). Ang Balik-Bayan Bantay-Biyahe booths ay bukas mula 5:00 p.m. hanggang 10:00 p.m sa mga nabanggit na petsa.

Ang mga motorista na daraan sa mga nasabing gas stations mula 5:00 p.m hanggang 10:00 p.m ay makakatanggap ng mga libreng serbisyo tulad ng first aid services, blood pressure check, at first aid medicines mula sa Balik-Bayan Bantay Biyahe booth. Maaari ring sumali ang mga motorista sa mga fun games para manalo ng mga items na magagamit sa mga biyahe tulad ng mga payong, tumblers, towels at tote bags. May mga freebies din tulad ng mga gamot, candies, tubig at snacks.

Sa ikalimang taon na ngayon, ang Balik-Bayan Bantay-Biyahe ay nakikipagtulungan sa major gasoline station Caltex at sa Philippine National Red Cross para maisagawa ang motorist assistance event na ito dalawang beses sa isang taon – tuwing Mahal na Araw at tuwing Undas.

ANG BALIK-BAYAN BANTAY-BIYAHE

ANG DAY

BALIK-BAYAN BANTAY BIYAHE

BALIK-BAYAN BANTAY-BIYAHE

CALTEX COCO MEGA STATION

CALTEX MAMPLASAN STATION

EASTER SUNDAY

MANILA BOUND

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with