^

PSN Showbiz

Stairway To Heaven at Adik Sa 'Yo puwede nang panoorin sa DVD

-

MANILA, Philippines - Ngayong panahon ng tag-init, damhin ang dalawang magkaibang mukha ng pag-ibig kasama ang mga pinakabagong handog ng GMA Records & Home Video.

Balikan muli ang abo’t langit na pagmamahalan nina Cholo at Jodi kasama ang kompletong DVD set ng Stairway to Heaven. Itinatampok ang kauna-unahang pagsasama nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, maituturing ang STH na isa sa pina­ka-nakakaantig at di-malilimutang programa ng Kapuso Network.

Tiyak na matutuwa ang mga fans ng programa dahil maaari na nilang balik-balikan ang mga ek­se­nang tumatak at nagpaluha sa kanila. Mabibili na ang volumes 1 hanggang 6 ng STH DVD sa halagang P225.00 bawat isa.

Mula sa drama, ma-inlove naman kasama ang romantic-comedy series na Adik Sa ‘Yo na pinag­sa­mahan nina Dennis Trillo, Jennica Garcia, Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Samahan muli sina Ruben, Karen, Carlos at Joa­na sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig, at sariwain ang nakakatawa, nakakakilig, at naka­kabaliw na bahagi ng pagiging in love!

Ang Adik Sa ‘Yo Volumes 1 hanggang 6 ay mabi­bili sa halagang P175.00 bawat isa.

Gawing mas espesyal ang inyong summer kasama ang Stairway to Heaven at Adik Sa ‘Yo DVDs na mabibili na sa Astroplus, Astrovision, Video City, SM Record bars at Odyssey Music Video outlets sa buong bansa.

vuukle comment

ADIK SA

ANG ADIK SA

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

HOME VIDEO

JENNICA GARCIA

JOLINA MAGDANGAL

KAPUSO NETWORK

MARVIN AGUSTIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with