^

PSN Showbiz

Mga anak dusa sa hindi pag-uusap nina John at Janice

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

l‘m sure na kung nahihirapan man sina Janice de Belen at John Es­trada sa kanilang sit­wasyon ngayon na kung saan may mga hindi sila pinagkakasunduan hinggil sa kanilang paghihiwalay, doble siguro ang hirap na na­darama ng kanilang mga anak. Sana maresolba na nila ito para sa ikatatahimik ng lahat.

Pero talagang mahirap magkasundo kapag hindi nag-uusap at nagka­kagalit ang dating mag-asawang involved at korte lamang ang nag-uutos na mag-usap sila.

Sana for the sake of their children ay mag-usap sila ng mabuti, magkasundo at kung anu­man ang mapagkasunduan ay tutuparin ng ba­wat isa sa kanila.

* * *

Sana yung mga artista na may trabaho ay papagpahingahin naman bilang pangilin sa Mahal na Araw. Ang dami kasing artista ang nagsasabi na gustuhin man nilang magsimba, mag-visita iglesia, o mag-retreat, hindi nila magawa dahil may taping sila. Kung ang mga producer nila ay nagagawang ma-observe ang Holy Week, bakit hindi ang mga trabahador nila, kasama na ang mga artista?

Pero baka naman mabuti na yung nagtatra­baho ka kesa naman gi­nagawa mong parang fiesta ang Mahal na Araw.

* * *

Aba, at mayroon na namang bagong pelikula na ipo-prodyus si Boy Abun­da. Sa kabila ng kan­­yang kaabalahan, nakakapag-prodyus pa rin siya? Bilib ako sa kasipagan mo, Boy.

Title daw ng bagong movie niya ay ang Ang Pag­lilitis ni Andres Bo­nifacio. May pagka-his­torical ito. Aba, ‘di malayong malaki ang gastos nito.

Napanood ko yung first production venture ni Boy, ang Astig at na­gan­dahan naman ako con­sidering na bago ang nagdirek nito, si GB Sam­pedro.

ANDRES BO

ANG PAG

ARAW

ASTIG

BOY ABUN

HOLY WEEK

JOHN ES

PERO

SANA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with