Mama Salve, wanted ng mga reporter si Maria Venus Raj pero naging mailap ito as in hindi siya mahagilap!
The who si Venus? Siya ang winner ng Bb. Pilipinas-Universe crown na binawian ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ng korona at title dahil inconsistent daw ang kanyang mga statement.
Wala pa raw balak si Venus na magsalita dahil ikina-shock niya ang desisyon ng Bb. Pilipinas organization.
Parang nagpepenitensya si Venus dahil Lunes Santo nang sabihin sa kanya ang verdict ng BPCI. Kahit ako ang nasa katayuan ni Venus, talagang maiiyak ako dahil nawala ang tsansa ko na lumaban sa Miss Universe Contest. Nabale-wala rin ang lahat ng pagod niya nang mag-join siya sa Bb. Pilipinas Contest.
Nag-unahan ang mga TV reporter na makuha ang panig ni Venus pero pinili nga nito na manahimik.
Ang second runner-up na si Helen Nicolette Henson ang ipinalit ng BPCI kay Venus. Hindi puwede ang 1st runner-up na si Dianne Necio dahil 17 -years old pa lang ito. Hindi pasok si Dianne sa Miss Universe dahil 18-years old ang age requirement.
* * *
Itinaon ni Ricky Martin sa Holy Week ang kanyang rebelasyon na bading siya. In fairness, pinupuri si Ricky dahil sa kanyang walang takot na pag-amin.
Puwede kasi na hindi magsalita si Ricky at hayaan na lang niya na forever na manghula ang mga tao tungkol sa kanyang tunay na katauhan.
Hindi ganoon ang ginawa ni Ricky dahil ipinagsigawan niya sa buong mundo na baklita rin siya! I’m sure, inggit kay Ricky ang mga pa-mhin na artista na afraid na mag-come out!
* * *
Marami akong natanggap na email na pumupuri sa husay ni Mark Herras sa pagsasayaw sa Party Pilipinas noong Linggo.
Nakipag-showdown si Mark sa international choreographer na si Fusion at knows n’yo ba ang sey ng fans? Mas mahusay sumayaw si Mark kesa kay Fusion!
Totoo naman ang opinyon ng fans dahil mas bata at sariwa si Mark kumpara kay Fusion na hinihingal-hingal na sa pagsasayaw.
Pare-pareho ang request ng mga nagpadala sa akin ng email, ang patuloy na bigyan si Mark ng bonggang exposure sa Party Pilipinas!
Happy birthday nga pala kay Chester Manalo na avid fan ni Mark. Ngayon ang birthday ni Ken at ang mapanood kahapon sa Araneta Coliseum ang Party Pilipinas para makita niya si Mark ang kanyang birthday wish.
Hinaharbatan ako ni Ken ng complimentary ticket para makapanood siya ng Party Pilipinas. Ang kaso, late na nang magpadala siya ng email kaya hindi ko siya naihingi ng libreng ticket. Kung napaaga ang pagpapadala ni Ken ng email tiyak na napagbigyan ko ang kanyang special birthday request na mapanood kahapon ang Party Pilipinas.
* * *
Nasa Las Vegas si Luis Manzano para manood ng laban ni Manny Pacquiao nang malaman niya ang balita na kakandidatong Vice-President ng Pilipinas ang kanyang tatay na si Edu Manzano.
Nagulat si Luis dahil parang nagsabi lang na pupunta si Edu sa grocery pero suportado niya ang kandidatura ng ama dahil hindi raw ito ang tipo ng tao na papasok sa isang bagay na wala siyang alam.
Definitely, suportado ni Luis ang kandidatura ni Edu. All the way ang suporta niya sa ama na decided nang mag-quit sa showbiz, kahit anupaman ang maging resulta ng kanyang pagtakbo.