Sensitibong paksa para kay Dennis Trillo kung sakaling isunod sa pangalan nang napangasawa ng kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar ang kanilang anak na si Calix.
Nito lang inamin ni Carlene sa Startalk na nagpakasal na sila ng kanyang nobyong si Rogelio “Yo” Ocampo, but the former beauty queen does not intend to get pregnant by Yo until after five years para raw ma-enjoy nila ang kanilang pagsasama.
Bagama’t masaya si Dennis for his ex-flame, halatang napikon ang aktor sa Startalk reporter kung payag ba itong gamitin ni Calix ang apelyidong Ocampo.
“Palagay ko, hindi na dapat pinag-uusapan ang bagay na ’yan,” panonopla ng aktor sa reporter.
Dennis failed to address his exasperation, hindi siya dapat nairita sa nag-interbyu sa kanya kundi kay Carlene na desididong ipagamit kay Calix ang dinadalang married name. Katuwiran ni Carlene, ayaw naman niyang iba-iba ang apelyido ng kanyang mga magiging supling kay Yo.
But what’s the fuss? Pangilinan ba ang ginagamit ni KC, hindi ba’t sa amang si Gabby Concepcion pa rin naman ito?
* * *
Tiyak na maiiba ang work schedule ni Richard Gutierrez, taliwas sa aniya’y uumpisahan muna niya ang kanyang pelikula with Claudine Barretto and Anne Curtis at saka siya sa sasabak sa celebrity edition ng Survivor Philippines.
At pagbalik mula sa isla ay saka niya tatapusin ang pelikula.
“Cannot be,” sabi ng direktor ng Survivor Philippines na si Monty Parungao. “It would be ideal if Richard starts and finishes the movie, at saka niya isunod ang Survivor until it’s done.”
Common sense lang naman iyon, Richard’s hosting stint in Survivor Philippines cannot be sandwiched in a filming schedule. Paano na ang complexion ng aktor na sunog na sunog sa isla, at ipagpapatuloy ang pelikula with a change of skin tone?
Oo nga naman.
* * *
It’s Mel Chionglo’s turn to direct Maricel Soriano via her third episode in TV’s 5-Star Specials.
Nag-taping ang Diamond Star (ows, hindi niya ipina-pack up?) nung Biyernes with Eddie Garcia and Jay Manalo. Isang light family drama ang tema ng episode na ’yon.
Pang-iintriga ng iba, imposibleng magluka-lukahan si Maricel even if she found the script bad. Hindi raw dahil nakaya na niyang gawin iyon nung una (at inabonohan niya tuloy ang production cost), kundi respeto na lang kay Tito Eddie. Call it bad experience, but Maricel Soriano is Maricel Soriano, after all.