Ryan katulong ang mga kaibigan sa mga hiling ni Juday

Nagawa n’yo bang magsakripisyo ng isang oras na walang kuryente bilang kontribusyon para masagip natin ang ating planeta? Sana naman. Kung sa ganitong paraan ay makatulong tayo kahit kakaunti, may silbi na tayo bilang tao.

Ano naman ang isang oras kung tutuusin, eh naging mas masaya pa nga ang maraming pa­milya who went to the streets at doon pinalipas ang isang oras. Nagkaroon pa ng bonding ang mag­­kakapitbahay na hindi nila dating nagagawa dahil palagi lang silang nasa loob ng bahay at kung hindi nanonood ng telebisyon ay nagko-computer sa bahay naman.

Naglagay lang sila ng mga upuan sa tapat ng kanilang mga bahay at doon nagkuwentuhan habang hinihintay na lumipas ang isang oras.

May dala silang flashlight at emergency light para nagkakakitaan naman sila sa dilim.

Kayo ba, ano ang ginawa ninyo?

* * *

Bilib naman ako kay Sandra Bullock na siyang nagdurusa sa kasalanan ng kanyang asa­wa. Ma­ra­mi siyang kinakanselang appearan­ces at pa­rangal. Nahihiya kaya siya o ipina­lalagay na hindi siya karapat-dapat sa pagpa­pahalaga?

Bilib din naman ako sa lakas ng loob ng mga babaeng lumilitaw para lamang sabihin na kasama sila sa panlolokong ginawa ng asawa ni Bullock sa kanya. Sila ang nakakahiya, ’di ba? Ang kakapal nila!

* * *

Katulad ng maraming husbands na may asa­wang naglilihi, hindi naman exempted si Ryan Agon­cillo sa mga cravings ni Judy Ann Santos. Pasensiyoso naman siya kaya lang kapag ang gustong kainin ni Juday ay hindi available locally, dun nagkakaproblema.

Pero nagbabago naman ng isip si Juday kapag nagpapaalam ang asawa niya na aalis para mabili ang gusto niya sa abroad. Mahirap din kapag nag­hanap si Juday ng pagkain sa dis-oras ng gabi at sarado na ang mga tindahan, restaurant o lugar na mabibilhan pero masuwerte si Ryan dahil ang dami-daming kaibigan na tumutulong sa kanya para mahanap ang gusto ng asawa. ’Yan ang na­gagawa ng pakikipagkaibigan, ’di ba Ryan?

* * *

Sa pagsisimula ng Party Pilipinas, hindi lamang ang ABS-CBN ang inaasahang kakain ng alikabok sa GMA 7 kundi lalo na ang TV 5 na naglalayong sumali sa noontime competition.

Pero matapang ang TV 5 dahil kung ang laba­nan ng ABS-CBN at GMA 7 ay neck to neck, nga­yong napalitan na ang SOP ng Party Pilipinas at nakita n’yo naman siguro kung gaano kaganda ang bagong programa ng Kapuso, aba mahihi­rapan talaga ang PO5 (Party on 5) ng TV 5.

Aba, bahala kayo, kung malakas ba talaga ang loob n’yo eh.

Show comments