MANILA, Philippines - Tama ang desisyon ni Mark Bautista na lumipat sa GMA 7. Very important star ang treatment sa kanya sa launching ng Party Pilipinas kahapon hanggang sa Showbiz Central.
Sa intro pa lang, bongga na si Mark.
Isa si Mark sa maraming artista ng GMA 7 na present sa launching ng sunday show ng Kapuso na literal na nag-join lahat ng mga Kapuso stars except siyempre sa mga beterano na. As in lahat ng sikat na Kapuso stars ka-join.
Infairness, sosyal ang stage nila. Gumagalaw-galaw at alam mong ginastusan.
Pero parang the same pa rin with SOP except sa super laking stage at nadagdagan ng host. At mataas ang level ng energy.
Actually, inaabangan ang kick off ng Party Pilipinas. Sa Twitter, ang daming nagri-react. Maraming nagandahan, pero yun nga, ang dami ring nagsasabi na para pa ring SOP ang programa dahil andun pa rin naman ang dating nasa SOP.
Si Fusion naman daw, parang ka-level lang ni Mark Herras ang galaw na inimport pa ng GMA 7.
Tanggap naman ni Ogie Alcasid na hindi lahat ay nasiyahan sa unang presentation nila. “Thank you for all the comments! Positive and negative! We will try to improve pa! Have a blessed Sunday!,” tweet ni Ogie after the show.
Ang hihintayin na lang natin ay kung anong rating ng Party Pilipinas.
Naungusan ba nila ang ASAP na kinunan sa Boracay kung saan ipinalabas ang controversial na dance number ni Anne Curtis with Sam Milby?
Siyempre edited. Pero maraming naghintay at talagang patok na topic sa twitter kahapon.
* * *
Maraming na-sad na kanselado ang concert ni Tom Jones kagabi. Nadiskubreng meron siyang acute laryngitis kaya hindi na itinuloy ang concert kagabi. Maging ang concert niya sa Singapore ay hindi na rin natuloy.