Dingdong and Marian tatlong araw magbababad sa Baguio

May teaser na ang movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na You To Me Are Every­thing kahit five days pa ang natitirang shooting. In fact, after Party Pilipinas kahapon, bumiyahe ang dalawa sa Baguio and up to Wednesday na ang shooting nila.

Thursday to Sunday, makakapagpahinga si Marian at after Holy Week, itutuloy ang naiwang two shooting days. Kailangang matapos ang movie dahil aalis sila ni Dingdong sa May 13 para mag-guest sa US/Canada shows nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Bago umalis, magti-taping na ang aktres para sa Endless Love, pero ‘di pa alam kung paano isisingit sa schedule.

Tampok pala si Marian sa Holy Week Special ng APT Entertainment na airing sa Black Satur­day sa GMA 7 entitled Anghel Sa Lupa directed by Joel Lamangan.

Gandang-ganda si Marian sa script na may pagka-heavy drama at masaya siyang makatrabaho sa TV for the first time si direk Joel dahil sa movies niya ito nagiging director.

Also, may bago at malaking endorsement si Ma­rian, siya ang face ng Panasonic at lahat ng ap­pliances na gawa ng Panasonic, siya ang en­dor­ser. Pumirma na siya ng kontrata at makikita na ang billboard at print ads niya para rito.

* * *

May business na rin si Iwa Moto sa pag­bu­bukas ng Posh Nails sa Katipunan, Quezon City at ‘pag wala siyang trabaho, dito siya makikita at tumutulong na patakbuhin ang first business ven­ture na pinasok at wish nitong masundan pa para sa fu­ture niya at ng kanyang pamilya.

Sinusuwerte itong si Iwa dahil hindi mapili sa trabaho at kahit nalilinya sa mga kontrabida roles, walang reklamo. Kesa naman daw maghintay ng lead role na baka hindi dumating.

Nagbiro pa itong dapat magpasalamat sa kanilang mga kontrabida ang mga bida’t kundi sa kanila, hindi sila kaaawaan.

Favorite kontrabida ni Iwa sina Jean Garcia at Princess Punzalan.

Kung i-describe ni Iwa si Rossan Mon­teneg­ro, role niya sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay ang tipo ng kontrabida na hindi masaya, kaya gusto nitong hindi rin masaya ang mga tao sa kanyang paligid.

* * *

Matagal pa palang magtatapatan ang Sunday shows ng ABS-CBN, TV5 at GMA 7 dahil ang Ap­ril 4 na dapat live telecast ng Party Of 5 ng TV5 ay naurong sa Apr. 11. Replay ang ASAP sa Apr. 4, at taped naman ang Party Pilipinas after mag-premiere kahapon.

Live na ang ASAP sa April 11 at first live tele­cast ng PO5, pero taped pa rin ang Party Pilipinas dahil isasabay sa trade launch ng Channel 7 sa SMX Convention Center.

Kaya sa April 18 pa ang tapatan ng tatlong Sunday shows at tiyak na matinding paghahanda ang gagawin ng bawat shows para sila ang mamayani sa ratings at audience share. Alin kaya sa three shows ang magiging winner?

* * *

Riot ang episodes ng Diva this week dahil guests sina Elizabeth Ramsey at ang Mas­cu­lados. Mahusay sa comedy ang ina ni Jaya, kaya kaabang-abang ang role niyang aampon kay Sam (Regine Velasquez) na nagtago dahil idinemanda ni George (Randy Santiago).

Ang Masculados naman ang tutulong kay Lady (Rufa Mae Quinto) sa pagha-hunting kay Sam dahil gusto siyang ipapatay ni Lady sa pagsira sa kanyang singing career. Teaser pa lang ng epi­sode, nakakatawa na, lalo pang laugh trip ito ‘pag napanood ng buo.

Show comments