^

PSN Showbiz

Ruffa, nakakaloka nag-lie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi na pala nagkita si Jay-R at ang kanyang girl­friend na si Krissa Mae Arrieta nang umalis ito, kasama ang international singer na si Julio Iglesias.

Sumakay si Krissa Mae sa private plane ni Julio kaya hindi na siya naabutan ni Jay-R dahil nagkasalisi ang mga eroplano na sinakyan nila.

Nalungkot si Jay-R dahil hindi sila nagkausap ni Krissa Mae na isinama ni Julio sa mga concert nito sa ibang bansa.

Napansin ni Julio ang talent ni Krissa sa pagkanta nang magkaroon siya ng show sa Araneta Coliseum kaya may-I-invite niya na mag-join sa kanyang tour ang dyowa ni Jay-R.

Hindi pinakawalan ni Krissa ang magandang opportunity kaya nag-goodbye Philippines muna siya. Makapaghihintay naman ang training niya para sa Miss International dahil sa September 2010 pa ang beauty competition na kanyang sasalihan.

* * *

Ang guesting ni Ruffa Gutierrez sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central ang katapat ng live guesting ni Francine Prieto sa The Buzz.

Hindi ko na pinanood si Francine dahil siguradong iiyak na naman siya. Masyado nang malungkot ang mga balita sa showbiz nitong mga nagdaang araw, ang pagkamatay ng anak ni Toni Rose Gayda, ang pagpanaw ng anak ni Cesar Montano at ang nangyari nga sa ina ni Francine.

Mabigat sa dibdib ang mga kaganapan at para gumaan ang kalooban ko, may-I-watch ko na lang ang mga kakikayan ni Ruffa sa Showbiz Central.

Naloka si Ruffa dahil lie ang mga resulta ng lie-detector machine sa ilang tanong sa kanya. “No” ang sagot ni Ruffa sa tanong na “na-involve ka ba sa love triangle “ pero lie ang resulta.

Totoo ang sagot ni Ruffa dahil wala na siyang communication sa mhin na na-link sa kanya at iniuugnay ngayon sa isang aktres. Obvious ba na si John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ang mga kasangkot sa love triangle na idinenay ni Ruffa?

* * *

Career move ang dahilan ng paglipat ni Mark Bautista sa GMA 7. Hindi nagkamali ng desisyon si Mark dahil ang ganda-ganda ng exposure niya kahapon sa Party Pilipinas.

Nanggaling si Mark sa ASAP at kahit hindi niya aminin, one of those siya sa noontime show ng ABS-CBN.

Hindi kagaya ng participation niya sa Party Pilipinas na big star na big star ang kanyang dating.

Nawala sa sarili si Mark nang umapir siya kahapon sa Showbiz Central. Hindi niya ine-expect na mauungkat ang nakaraan nila ni Rufa Mae Quinto. Halatang naloka si Mark sa pag-amin ni Rufa Mae na nagkaroon sila noon ng short-lived affair. Parang hindi niya knows na may nakaraan sila ni Rufa Mae.

* * *

Pinagdududahan na bading ang isang singer-actor dahil kumukulot ang boses niya sa tuwing nagsasalita.

Walang kakurap-kurap ang mga mata na nag-deny ang singer-actor pero lalong naghinala ang mga intrigera dahil habang nagde-deny, nagbago ang timbre ng boses niya with matching pilantik ng mga daliri.

* * *

Katatapos lang ng panonood ko ng Party Pilipinas nang makatanggap ako ng phone call mula kay Jun Lalin.

Ipinakausap sa akin ni Jun sina Lorin at Venice, ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na pinadalhan ng regalo ni Senator Manny Villar dahil natuwa ito nang mabalitaan niya na memoryado ng mga bagets ang kanyang campaign jingle.

Ewan ko lang kung matutuwa si Papa Manny kapag nabalitaan nito na naputol na ang mga ulo ng mga manika na ipinadala niya sa magkapatid na Lorin at Venice.

Umaapela ang magkapatid na gibsungan sila ni Papa Manny ng mga cellphone dahil ‘yon daw ang pangako ko sa kanila. Na-pressure ako sa mga pakiusap ng mga bata dahil kesehodang sa telepono lang kami magkausap, kinantahan nila ako ng sikat na jingle ni Papa Manny. Naloka ako dahil memorized nga nila ang kanta, itsurang may English twang ang pagkanta nila ng Tagalog song.

vuukle comment

DAHIL

JAY-R

KRISSA MAE

NIYA

PAPA MANNY

PARTY PILIPINAS

RUFFA

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with