Pag-hello ng boobs ni Anne limot na

 Holy Week na simula ngayon. Panahon para mag­­­tika tayo ng ating mga kasalanan at paglimiin kung ano ang mga pagbabagong dapat nating gawin tungo sa landas na tinahak ng Panginoon. Kung pani­niwalaan ang mga ibi­nabadyang senyales, nalalapit na ang Kan­yang pagdating.

Kaya magbalik-loob na tayo sa Kanya. Iwasan na ang paggawa ng masama at sa halip, magtulung-tulong na tayo para mai­lagay ang ating bansa at ang mga sarili para sa kanyang pagdating.

Tulad ng dati, idaraos kong muli ang naka­gawian nang pilgrimage to Manaoag, Panga­sinan kasama ang aking pamilya at ilang mga kaibigan. Isang araw ito ng pamamahinga, pagsisimba at pagbabalik-tanaw sa mga masa­sayang araw nung bus-bus pa kaming pumu­punta ng Manaoag. Hinuhuli namin ang pang-alas doseng Misa at pagkatapos, ma­nanang­halian sa garden ng Katedral at pupunta sa bahay ng mga De Venecia (G. Jose at Gina) para mamahinga. Bago gumabi at pagkatapos ng meryenda, pabalik na kami ng Maynila.

Isang bus na lamang kami kung bumiyahe ngayon. Minsan nga isang tao sa dalawang upuan pero okay lang, wala naman yun sa rami, kahit kokonti kami, mas masaya dahil hindi magulo, nagagawa naming mag-usap na lahat. Di pares noon na hindi ko nakakausap lahat ng kasama sa biyahe. Ngayon feeling ko, iisa lang kami at masaya sa aming pagkakaisa.

Dalangin ko lang na wala sanang maganap na kampanya sa aming daraanan at pupun­tahan. Sana igalang naman ng mga pulitiko ang mga mga banal na araw na ito. Sana lang.

* * *

Sa Pasko ng Pagkabuhay, iimbitahan ko ang mga apo kong sumali sa Eggciting Easter Sunday na inihahanda ng Star City. Maaring malalaki na yung naunang dalawang anak ng anak kong si Freddie at ng kabiyak niyang si Shiela pero, wala namang age limit sa Star City. Magi-enjoy lahat dito. 

O kita-kita tayo dun sa April 4.

* * *

Sa rami ng mga nagpapalubag ng loob ni Anne Curtis sa pagkaka-expose ng kanyang boobs habang nagsasayaw para sa ASAP nang dumayo sila ng Boracay, dapat mabilis niyang makalimutan ang nasabing incident. It was no big deal. Kung nangyari ito nung 50’s baka ma-trauma pa siya dahil sa kahihiyan pero, makabago na ang panahon. Di na big deal makakita ng boobs.

Marami nga diyan na nakadamit nga pero halos lumitaw na ang kanilang bumpers pero, parang wala lang. Kaya lang naman gumawa ng istorya ang paglitaw ng boobs niya ay dahil Anne Curtis siya.

Maging lesson na lang ito sa lahat ng nagsa­sayaw na bago sumayaw tiyakin na hindi lalag­lag ang pang-itaas ng damit n’yo.  

Show comments