MANILA, Philippines - Magiging mas exciting at enjoyable ang Saturday mornings ng mga kids dahil tuluy-tuloy ang kasiyahan sa bagong format ng Tropang Potchi na papasok na sa second season simula ngayong Sabado (Mar. 27) sa Q Channel 11.
Mas pinaaga sa bago nitong timeslot (10:00 a.m), makikisaya sa Tropang Potchi ngayong Sabado si Sam Concepcion na mag-pe-perform ng isang kanta mula sa bago niyang album na Pop Class.
Simula rin ngayong Sabado, hindi lamang challenging at mind-enriching na games ang ihahatid ng Tropang Potchi. Mga bagong segments na may interesting themes at topics ang ibabahagi nila na kapupulutan ng aral ng mga bata.
Ang Tropang Potchi members na sina Julian Trono, Ella Cruz, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Ayla Mendero at Jessu Trinidad ang mangunguna sa bawat segment na tungkol sa arts and crafts, science and health, music and dance, sports, animals, environment, lifestyle, at maging mga istorya tungkol sa celebrities.