Katuwa ang mga artista ng TV5 dahil kung hindi galing ng ABS-CBN, galing sa GMA 7. Sila Ariel & Maverick lang yata ang talagang nagsimula sa Kapatid network noong ABC-5 pa ito, pero lumipat din sila sandali sa Kapuso Network at bumalik lang sa TV5.
Sa TV5 launch, nabalitaan naming inunahan ni Amy Perez ang ABS-CBN, bago pa siya sinabihang mag-resign sa TV show at radio show niya, nag-resign na raw ito. Bukod sa Face to Face, bibigyan pa raw ng ibang show si Amy ng TV5.
“Taga-TV5 na ako,” ang sabi ni Rainier Castillo. Una siyang mapapanood sa Celebrity Edition ng Talentadong Pinoy, sa birthday episode ng host na si Ryan Agoncillo. Sa Tuesday na ang taping ni Rainier at makakasamang guests sina Paolo Bediones to play the keyboard, Jan Nieto na magpapakita ng husay sa judo, Rosanna Roces na magda-drums. Hindi namin naitanong kung ano ang gagawin ni Rainier.
* * *
Nabasa namin sa Twitter account ni Heart Evangelista na magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network at laging may bagong balita sa Party Pilipinas. Kasama si Heart sa grupong Glam Girls na kinabibilangan nina Lovi Poe, Carla Abellana, Bianca King at Rhian Ramos.
Wala na ang Cover Girls dahil pang-SOP ‘yun at pinalitan na ng Glam Girls. Inalis na rin si Glaiza de Castro, inilipat sa ibang grupo at ipinasok si Rhian Ramos. Tiniyak sa amin na magugustuhan ng viewers ang Glam Girls na iba-iba raw ang ipakikita every week.
Still on Heart, after Party Pilipinas, isang drama ang gagawin niya sa GMA 7, papalit sa First Time, pero wala pang title at wala pang detalye dahil ipi-present palang sa management.
* * *
Nakita namin si direk Mark Reyes sa TV5 launch sa World Trade Center, pero bago pa namin siya maintrigang lilipat ng network, inunahan na kami sa pag-a-announce na Kapuso pa rin siya. May negosyo lang daw siyang inaasikaso kaya siya nasa TV5 launch.
Tsinika ni direk Mark na may five days pa bago matapos ang shooting nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng movie nilang You To Me Are Everything at dahil sa May 12 pa ang playdate ng pelikula. Next week, aakyat daw uli sila sa Ifugao para sa iba pang eksena nina Marian at Dingdong.
Inalam namin kay direk Mark kung siya rin ang magdidirek ng Endless Love nina Marian at Dingdong? “Hindi! Ang Odessa ang gagawin ko at Love Bug, wala rin akong balita kung sino ang magiging director ng dalawa.”
Ang Love Bug ang papalit sa Dear Friend at ang alam naman ni direk na bida ng Odessa ay si Rhian Ramos na obviously ay telefantaserye.
* * *
Hindi makapaniwala, pero tuwang-tuwa ang mga bida ng First Time na sina Barbie Forteza, Jake Vargas at Joshua Dionisio sa balitang ang next show nila ay pang-primetime na uli. Excited ang mga bagets sa magandang balitang ito at lalo raw nilang gagalingan ang kanilang trabaho para hindi magsawa ang GMA 7 sa pagbibigay sa kanila ng big projects.
Ang tsika pa, makakasama nila ang Ultimate Male and Female winners ng StarStruck V na sina Steven Silva at Sarah Lahbati at baka samahan din ng iba pang galing sa SSV.
Bale ba, kakausap palang namin kay Enzo Pineda at wish pa rin nitong sila ni Sarah ang gawing magka-love team sa project na ibibigay sa kanila ng network.